Ipinag bukas ako ni Dawn ng pintuan saka nya sinabi na babantayan nya nalang ako mula sa malayo. Nitong huling mga araw parang may malalim syang iniisip.
Pag pasok sinalubong ako nila Demi na ilang beses ko ng sinabihang wag ng maki sawsaw sa dinner ng psych department. Kaya lang curious si Ace na makilala si LJ palagi kasi namin syang topic ni Demi personal man o sa group chat.
"Hello baby" Humalik sya malapit sa labi ko.
"Hey guys" Balik ko, kumapit si Demi sa braso ko.
"Ang tagal mo nagugutom nako" Maktol ng best friend ko.
"Sorry eh tinulungan ko pa si ate. Nakita mo na ba yung mga kasama ko sa psych?" Tanong ko sa kanya, pamilyar naman sya sa mga kasama ko doon.
"Nakita ko yung si Kaye, sinama nya yata yung jowa nya. Sabi ko sayo pwede naman ang plus one eh. Di naman tayo papa libre" Nag lakad kami sa second floor, kinuha naman ng ingay ng malaking grupo ang atensyon namin.
"Plus two ang dala ko, saka Ace sinabihan na kitang walang gwapo doon" Balak nya raw kasi mag hanap ng papa.
"Titingin lang naman eh." Lumakad kami palapit sa malaking grupo na bumuo ng circle, nakita ko ring sinadya nilang kumuha pa ng mga bangko sa malapit na mesa. Buti pumayag yung resto sa ginawa nila.
I guess late na kami kasi nandito na si LJ na tinatadtad na nila ng mga burning questions. Tahimik kaming naupo at pasalamat kong may mga bakante pang silya. Kasi nakaka hiya kung kukuha pa kami ng bangkuan namin.
"Look Ace, sya na yon" Naupo sila sa magka bilang gilid ko.
"Well I guess maganda nga pero diko type" Natawa si Demi.
"Malamang dimo type, wala namang lawit si Ms. Alvarez eh" Hindi ako nag salita, from a distance tinanguan ko lang din yung ibang mga naging kakilala kona sa department lalo na si Kaye na in a way naging kaibigan kona.
"So ma'am meron ba kayong boyfriend?" Ang tanong na iyon ang nagpa tahimik ng mesa namin. Parang na tension din ang lahat sa pwede nyang isagot.
As if meron kaming chance sa kanya...
"I'll be honest, sa ngayon sobrang busy ko kaya wala akong time para doon" Lahat relieved na naka hinga kasama na doon si Demi.
"Pero meron naman po ba kayong natitipuhan? Alam namin na maraming nanliligaw sa inyo" Sunod na tanong noong isa. Umiling sya.
"I'm really busy so wala rin" Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako.
Siguro kasi napatunayan kolang na yung nangyari samin at kung ano mang nag tra transpire kapag walang nakaka kita ay hindi mahalaga sa kanya.
Malakas na sampal din sakin na di nya pala ako type...
Bakit iyon ba ang tanong? -singit ng utak ko.
Well hindi pero iyon naman ang ibig nyang sabihin sa wala syang natitipuhan ngayon. -Balik nung nag iisang brain cell ko.
"Baby single ba yon?" Bulong ni Ace sa tenga ko saka nya nginuso si Tyrone.
"Diko alam, bakit dimo itanong?" Nag pout sya saka hinawakan ang kamay ko.
"Nahihiya ako, mamaya kausapin natin?" Ilang buwan narin yata since magka jowa sya kaya sure akong tuyot na tuyot na sya.
"Oo na pero pwede ba wag kang kumapit sakin? Gayahin mo si Demi puro lang talaga kain" Tukoy ko sa kaibigan kong namumuhalan.
Bumalik kay LJ ang mata ko habang naka pout. Nakita ko yung pag hawak sa kamay nya ni Melanie na ikina angil ko. May gulat na lumingon sakin si Demi.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...