Nagising ako ng umagang iyon na hindi matandaan kung paano huminga. Nanlaki ang mga mata ko dahil parang may sumasakal sakin at mga malalaking batong naka dagan sa dibdib ko.
Ang buong akala ko huling mga segundo ko na iyon sa mundo at ang ma aalala kong pakiramdam ay kung paano mamanhid ang mga daliri ko. Nag simula sa pag dilim ang lahat.
Saka ko na alala yung maliit at pulang button sa ulunan ng head board ko. Na pindot at na abot ko iyon kahit pa unti unti ng nawawala ang lahat ng lakas sakin. In the very first place din kasi wala na akong balak na lumaban pa.
Masaya narin naman ako sa kung anong kina hinatnan ng buhay ko at kung ito na ang huling oras ko sa mundo. Maluwag ko namang tatanggapin yon. Wala narin kasi sa control ko kung talagang oras kona.
Pumikit ako at hinayaan nalang na lamunin ako ng kadiliman...
Sa muling pag mulat ng mga mata nasa isang puting kwarto na ako. Napa hilamos ako ng makilala ang amoy at kulay ng lugar. Hindi narin ako nag taka ng makita yung IV sa braso ko.
And again nasa hospital nanaman ako, wala ng bago. Parang nagkaroon ako ng deja vú.
Tumunog ang cellphone ko na ikinagulat kong nasa tabi ko lang pala. Unknown ang caller wala sa sarili ko namang sinagot.
Nag hintay akong may mag salita ilang minuto ring naging tahimik. At naisip ko ng ibinaba na nung tumatawag ng maisip kong mag salita.
"Hello?" Naubo ako ng sunod sunod sa pagka tuyo ng lalamunan ko.
"Ms, Romero? Bakit wala ka sa class kanina?" My ears perk up when I realized who is my mystery caller.
Kahit na napaka dilim ng kwarto lumiwanag bigla. Sumulpot sa utak ko ang imahe ni LJ at parang yon palang sapat na para maging ayos ang lahat.
"If it's not my super gorgeous professor. Hello to you too LJ" She let out an exasperated sigh.
"I'm just letting you know that this attitude will not do. I will not tolerate this kind of behavior" This last few weeks diko alam kung bakit mas naging mataray sya.
Saka parang gusto nya akong kiligin ng bongga sa ipinapakita nyang attitude. Kasi ako lang ba o nakalimutan nya ng sit in lang ako?
Siguro nakalimutan nya nga kasi mas diligent pa ako sa pag pasok kaysa sa totoong estudyante nya. Nasa two months na nga akong walang absent eh.
"It's just not a good day for me. I'm not slacking medyo may nangyari lang" Sagot ko. "LJ just tell me that you miss me" Alam kong nag ikot sya ng mata kahit pa wala sya sa harapan ko.
"Just this once Frances. Pero kung dika parin papasok bukas hindi na kita tatanggapin the next meeting" Sobrang strict naman pala ng prof ko.
"Opo, I'm sorry ma'am" Napa ubo nanaman ako. "In case you're wondering, I'm doing fine,nasamid lang" Pag enlighten ko sa kanya natawa lang ako ng beep ng end tone lang ang sumalubong sa tenga ko.
Edi sya ng diko maintindihan.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang mga parents kong may grim expression. Sa pagkaka tanda ko dipa naman ako patay para mag mukha silang ganyan.
"What's up folks? Sinong namatay?" Natatawang sabi ko, pag lingon sakin sumugod si mommy at niyakap ako ng mahigpit na parang plano nya ng sya na mismo ang puputol ng air supply ko.
"From now on mag lalagay na kami ng camera sa kwarto mo" Sabi naman ngayon ni daddy.
"For what exactly? Para mawalan ako ng privacy?" Bumitaw si mommy at hinaplos ang mukha ko, na para bang maglalaho ako bigla.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
Roman d'amourFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...