"We should break up" Napa ngiwi ako ng marinig ang malakas na pag singhap ni Julia.
I mean yeah, we dated a couple of months but since the beginning I told her that she can't tie me down.
The truth is, okay naman yung relationship namin kaya lang nagkaroon yata ng ibang idea ang babaeng ito at nag simula sya mag demand sakin ng oras at atensyon na sa simula palang ay sinabi ko ng diko kayang ibigay.
Napaka bata kopa para sa seryosong relasyon at napakarami kong iniisip para idagdag sya sa responsibility ko.
"What the fuck are you saying?" Kumalat ang pamumula sa pisngi nya. Bumaba naman ang tingin ko sa mga kukong kaka tapos ko lang ipa manicure.
"I'm just saying that we should end this" Nonchalant na balik ko.
"The audacity Frankie" Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana ng restaurant na kinalalagyan namin.
"Juls medyo taxing na sa panahong ito yung studies ko. Saka dahil bagong year pinayuhan ako nila daddy na mag focus na muna doon" Naisip kong idahilan.
"Yeah make me laugh. I know you, so stop spitting lies" Nag de kwatro ako at nilipat sa kanta ang tingin.
"Okay you really want the truth?" Hamon ko na tinanguan nya naman.
"Wala akong oras sa charade na ito Frankie, just tell me the truth. Is there someone else?" Pumikit ako sandali at sinubukang mag ipon ng luha dahil kapag nagkamali ako ng salita tiyak na mapapa hiya ako.
Julia have the tendency to cause a scene and I can't afford that right now. Lalo pa't humahabol na mayor si daddy at ilang beses nakong binalaan na wag gagawa ng kalokohan ngayong dipa tapos ang election.
"Diba we already set straight what this relationship is going to be?" Tumango sya at sumimsim sa kopitang nasa harapan nya.
"Open relationship, if I remember correctly" Ako naman ang tumango.
"Exactly, open relationship. So bakit nung isang araw lang sinugod mo sa billiaran si Ace?" Tumalim ang tingin nya sakin.
Nakaka stress ang babaeng ito, bakit nga ba pumasok pasok pako sa gulong ito? Kung simula palang may notion na akong pwedeng ito ang kahinatnan?
Kasi padalus dalos ka at di nag iisip...
"I thought we already changed that. Nung una tanggap kong open relationship ito pero after ng ilang buwan mas naging close tayo. So I'm sorry to assume Frankie" Tumaas ang isang kilay ko.
"Assume what?" Inirapan nya ko.
"Na pwedeng ako lang ang gusto mo. Napaka hirap ba non? We're a good match in everything, bakit kailangan mo pa ng iba? Bakit naghahanap kapa ng iba?" Pinadaanan ko ng index finger yung burda sa mantel na tela sa mesa.
"Juls alam mong for now I don't have time for a serious relationship." Di maka tinging sagot ko.
"But I thought I could changed that" Turan nya sa mahinang boses.
This conversation exhaust me and starting to drain the life out of me. As much as possible, ayoko syang saktan at ayokong mag away kami kasi karagdagang stress pa yon. Pero diko na alam ang sasabihin ko.
"You can't, sorry if I made you believe otherwise." Lalong nanganak yung guilt ng mag simula syang umiyak.
Dumukot ako ng tissue saka inabot sa kanya, nawalan ako ng lakas habang pina panood sya. Hinilot ko ang sentido at kahit pa kanina kopa gustong umalis nanatili ako.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomansaFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...