Chapter 29

158 19 2
                                    












Pag mulat ng mata maliwanag na ang sikat ng araw. Kinamot ko ang ulo at sumubsob sa unan ko at babalik na dapat sa pag tulog ng mapansin kong iba ngayon ang amoy ng unan ko.

Kaamoy ni LJ.

Nanlaki ang mga mata ko at napa upo, wala na akong katabi. Nilibot ko ang mata, spotless ang sahig pati na yung kalat kahapon ng mga balat ng gamot wala na.

"Woah, what happened?"

Saka ko nalanghap mula sa hangin yung tocino at sinangag. Kinabahan ako at naisip na baka mamaya awayin nya nanaman ako na dito naka tulog. Tapos suot ko pa ang damit nya kaya lang ng mag decide akong isuot ulit ang damit ko wala na ito sa huling pinag lagyan ko.

Nag hilamos ako saka ko napansin yung spare toothbrush na halatang iniwan dito para gamitin ko kaya nag toothbrush din ako. Matapos maging mukhang presentable lumabas ako ng kwarto at nag bumaba patungo sa kusina.

Sinalubong ako ng likuran nya saka ko nakitang abala sya sa pag hihiwa ng kamatis sa chopping board. Mag sasalita na dapat ako ng marinig yung mahinang "aray" mula sa kanya kaya di ako nakapag isip at kaagad syang tinungo.

Hinawakan ko ang kamay nya, may maliit na hiwa doon na nag sisimula ng dumugo. Itinapat ko ang daliri nya sa running water, walang salita ko syang iniwan panandalian. Kahapon habang nag hahanap ng gamot nalaman ko kung saan may first aid kit.

Nang matagpuan kumuha ako ng isang band aid at binalikan sya di naman sya tuminag sa kaninang pwesto nya. Kinuha ko ang kamay nya saka nilagay ang band aid sa sugat after noon ngumiti ako ng malaki sa kanya.

"All done" Mabilis ko pang hinalikan yung daliri nya. 

"Thanks, umh kumain kana bago ka umuwi" Di naman ako tumanggi kasi mas gusto ko paring i stretch ang mga oras na kasama sya. "Gusto mo ba ng kape?" Umiling ako

"No it's okay, di ako nag kakape" Naupo ako pero nanatili naman syang naka tayo.

Pinagmasdan nya ako sa position nya saka sya sumandal sa counter. Magana akong kumain ng ma realize ko yung gutom ko. Hindi ko narin muna pinansin yung nanunuot na tingin nya.

"Thank you for yesterday. And I'm sorry about sa mga nasabi ko. I guess I'm intoxicated with all the meds." Habang namumuhalan umiling iling ako.

"Everything you said is fine and I'm happy to help. Don't worry about it." Sagot ko.

"Okay" Balik nya.

By now she's back to being cold. At lahat ng pader naka tayo nanaman na parang mas pinag tibay pa. Pero sa ngayon wala naman akong planong pilitin sya kasi marami rin naman akong na realize.

Isa doon ay yung pag uutos ko sa sariling kahit na anong mangyari. Mas dapat na palaging nauuna ang kaligayahan nya, kahit pa di ako sang-ayon sa mga sinasabi nya dapat unahin ko sya at hindi yung katigasan ng ulo ko.

Ayoko narin syang masaktan. Diko gustong dahil sakin umiiyak pa sya at nag sa-suffer kaka isip ng sitwasyon namin

Kumain ako ng marami matapos nag prisinta pa akong mag hugas pero pinigilan nya na ako kaya huminga na muna ako at nagpa baba bago ko i-announce ang pag-alis ko.

"LJ nakita mo ba yung mga damit ko? Ibabalik ko na kasi itong damit mo." May tinuro syang direksyon na sa palagay ko ay yung laundry area.

"Sinalang kona sa washing. Isuot mo na muna ang damit ko, ibabalik ko nalang sayo yon,when I saw you at the orphanage." Tumaas ang dalawang kilay ko at napa tango tango.

"Ganun ba? Sige pero sana wag mo munang pilitin ang sarili mo. Hindi ka pa gaanong magaling. Don't force yourself too much." Payo ko.

"I can handle myself." Dina ako sumagot doon kasi ayokong makipag talo.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon