Chapter 38

208 18 18
                                    







Bumuntong hininga ako at medyo na-guilty dahil ngayon kolang nalaman mula kay Ma'am Zen na wala si Lena dito sa orphanage this last few weeks. Meron daw kasi silang candidate for adoption at hinayaan nila si Lena na tumira sa bahay nila Mr. and Mrs. Guiah.

I felt disappointed with myself, na sa pagiging engrossed ko sa ibang bagay nakalimutan ko naman sya. Doon bumalik sa utak ko yung mga sinabi ni LJ na di talaga ako suitable for this.

Kasi diko pa nga tuluyang ina adopt si Lena, nangyari na ito. Paano ko nalang pagkaka tiwalaan ang sarili kapag mas naging busy pa ang buhay ko?

Lugu lugo akong pumasok sa sasakyan na ibinukas ni Dawn. Tinignan ko yung story book na binili ko kahapon ng ma alala si Lena. Ngayon gusto ko sanang basahin sa kanila ito. But she's not here.

Nag maneho si Dawn at tahimik akong tumanaw sa labas ng sasakyan. The thought of Lena is still bugging me. Hanggang sa makarating kami sa harapan ng hotel kung saan ako hinihintay nila mommy.

May dinner date ang family namin at nila Eugene, I guess after ng ilang weeks lang ulit ni-resume ni ate yung pag pa-plan ng kasal nila.

Kung ako sa kanila sa totoo lang, mas gugustuhin ko nalang mag pakasal sa west or sa ibang bansa para matapos narin. Dahil nakaka trauma na yung mga nagiging insidente sa mga pa-party nila. Or mas pinaka the best wag na silang magpakasal ng tuluyan. Para talagang tapos na ang problema at stress.

Ewan, diko rin alam kung paano sasabihin 'yon sa ate ko.

"Dawn, CR lang muna ako." Nauna na akong bumaba at dina sya hinintay.

Lutang akong nag hanap ng banyo at parang napaka bigat ng puso ko sa mga sandaling ito. Saka ko naisip dukutin ang cellphone ko para mang hingi ng permiso kay Ma'am Zen na bisitahin si Lena kahit pa nasa mga Guiah sya.

Walang tao sa banyo kaya mabilis lang din akong naka ihi. Nag hugas ako ng kamay at nag retouch after saka lumabas. Sinubukan kong tawagan si ate para alamin kung nasaan sila dahil diko parin sure kung anong room or floor ang kinalalagyan nila ng may biglang humawak sa braso ko.

Diko nakilala ang lalaking may facemask na itim. Nasa akto na ako ng pag tili ng may tumakip ng bibig ko. Pumalag ako ng subukan na akong buhatin nung lalaking tumatakip sa bibig ko.

Iba ang amoy ng panyo kaya pinilit kong di huminga kasi di naman ako ganoon katanga. I've watch a ton of kidnap scenes on TV,for Pete's sake. Pero ang diko ina anticipate ay yung nakapang hihinang takot na sumakop sa dibdib ko.

May pintuang binuksan ang lalaki saka nila ako iginapos sa isang bangkuan. Tumili ako ng magkaroon ako ng pagkakataon, lalo akong kinain ng takot ng pisikan ng kung ano nung lalaki ang panyo. As if dipa enough yung possible na nilagay nya roon kanina.

Ano bang balak nila dina ako magising?

"We can talk about this. Kung pera ang kailangan nyo,marami 'non ang daddy ko." I said,talking some sense into them.

Natawa sila ng malakas at parang walang narinig sa mga sinabi ko. May body bag akong nakita sa sulok ng kwarto at may konting hint na ko kung para saan 'yon. Sinubukan ko nalang ulit tumili kahit pa mukhang soundproof ang kinalalagyan namin. Nag start sumakit ang lalamunan ko pero walang dumating para tumulong.

Gusto kong isiping walang likas na kasamaan ang tao at kung makaka usap ko sila ng maayos pwedeng makaramdam sila ng awa. Kasi kung pag iisipan wala naman akong matandaang naging atraso ko sa kanila at baka ginagawa nila ito dahil sa nangangailangan lang din sila.

Maraming mabuting tao na kumakapit sa patalim. Ilang beses iyong na-kwento sakin ni Demi every time na mapag uusapan namin yung life group nila sa church.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon