Chapter 6

257 20 0
                                    










Wala akong energy sa ngayon, baka dahil parin ito doon sa LQ namin ni LJ. Sana lang talaga lover's quarrel yon dahil kung maririnig ni Demi itong iniisip ko malamang na mabatukan nya pa ako.

Minsan nga natatanong ko sa sarili kung nasabi ko ba kay Demi yung tungkol sa sakit ko kasi ang pagkaka tanda ko alam nya naman pero kahit pa iyon ang case kung batukan nya ako parang di nya iniisip yung sakit ko.

Mas prefer ko naman yon at sure akong ayaw ni Demi na gawing weird ang lahat sa pagitan namin dahil lang sa sakit na ito. Hindi kasi sya ganon at kapag kasama sya parang normal na estudyante at tao lang ako.

Pag pasok sa klase ni LJ naging present ang utak ko, naupo ako sa pinaka dulong upuan kung saan di ako gaanong mapapansin. Di katulad ng ginagawa ko madalas.

Nag start sya at nag libot ng tingin, nag tago naman ako kagandahan ring napaka tangkad ng lalaki sa harapan ko kaya di nya ako basta basta makikita.

Pinaliit kong pilit ang sarili ng mag lakad lakad sya saka ko kinagat ang ibabang labi ng maamoy sya. Pumikit ako kahit pa di mag salita alam kong nasa likuran ko na sya.

Ilang segundo lang ng sumandal sya sa desk ko at mag krus ng braso. Sandali lang nag linger ang tingin nya sakin at lumipat sa kanila.

"Sino dito ang nagalit na?" Pinilit kong iiwas ang mata sa kanya kahit pa dina ako maka hinga sa presensya nya.

Hindi ko alam kung bakit excited pa ako sa mga nangyayari kung last week ayaw ko na syang makita. But to be honest, ayaw ko syang makita pero naging constant na sya sa utak ko.

"Anger thus temporarily protects people from having to recognize and deal with their painful real feelings." Nakinig sa kanya ang lahat.

"It's normal to vent sometimes, Anger is a normal emotion that you feel from time to time and there's nothing wrong with that. It's a secondary emotion from feeling sad, frightened or threatened." Napa titig ako sa kanya ng marinig yon.

Walang emosyon ang pagkaka sabi nya pero tataya akong tungkol parin ito doon sa naging pagtatalo namin last week. I feel overwhelmed but not in a bad way.

Di lang ako maka paniwala na ito yung tina tackle nya sa harap ng napakaraming tao.

"Ang mahirap lang kapag nagalit ka ay yung kakambal na regret non. Mostly if you hurt someone not intentionally" Tinignan nya ako at saka nag lakad pabalik sa desk nya.

Nakagat ko ang dila ko at namawis ang palad ko ng biglang uminit sa buong kwarto. Kumuha ako ng papel at pinaypayan ang sarili.

Matapos ang discussion nagkaroon ng quiz na kaagad ikina lungkot ng iba. Dito medyo kinabahan ako dahil wala yatang pumasok sa utak ko. Yung tingin lang ni LJ ang tumatak sa isip ko.

"Guys bibigyan ko pa kayo ng one week doon sa report na pinagawa ko" Sa narinig medyo natuwa ang iba.

"Hey Frankie, right?" umangat ang tingin ko sa naka ngiting babaeng huminto sa harapan ko.

"Yep, you are?" Naka ngiti ring bati ko.

"Kaye, hi nice to meet you" Nakipag shake hands pa sya.

"Hi Kaye" Tumayo ako sumabay naman sya sakin.

"My parents love your dad. Lagi nilang pinag uusapan sa bahay yung mga plata porma nya" Mahina akong natawa.

"I'm sorry to hear that" Umiling iling sya.

"No it's okay, ina admire ko rin naman sya. Matagal na kitang gustong kausapin kaya lang yung iba dito mainit ang mata sayo" Kumunot noo ako.

"Why?" Kasi oo madalas akong lutang at aminado akong wala akong maiintindihan sa madalas na topic pero wala naman akong sinungitan o di pinansin.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon