Napa upo ako sa damuhan at tumingala sa maliwanag na kalangitan. Pinilit kong habulin yung hanging nawala sa baga ko habang pumipintig ang legs at calves ko sa layo ng tinakbo namin.
Kinuha ko sa malapit na bag ang bimpo at tumbler ko saka napa lingon kay Demi at Trinity na lawit ang dila ng maupo sa tabi ko. Inagaw ni Demi sakin ang tumbler ko, dinampi ko naman ang bimpo sa noo at batok ni Trinity.
"While running earlier, akala ko mamatay nako." Dramatic na sabi ng kaibigan ko.
"Okay lang yan" Wala sa sariling balik ko.
"Para sayo, pero para sakin hindi okay." Nanliliit matang sabi nya naman.
"Minsan lang nating gawin 'to kaya wag ka ng mag reklamo." Nag vibrate ang cellphone ko, kaya nawala sa kanila ang atensyon ko.
Lahat ng sakit at kirot ng muscles ko nawala bigla ng mabasa kong si LJ ang nag message. Ina update nya lang ako na natapos ng maaga yung meeting nya kaya at baka magkaroon sya ng time para makita ako later.
Maliwanag na ang mundo parang naging labis pa ang kinang nito ngayon. Malaki ang ngisi ko habang nagtata type ng response ng marinig ko yung pag gargle ni Demi.
"Mukha kang timang dyan." Komento nya sakin habang tumatawa si Trinity.
"I'm with her Frankie, medyo nakakatakot yung ngisi mo." Parehas ko silang inirapan ng mag ring ang cellphone ko.
Tumayo ako at lumapit sa puno ng narra dito sa tabi lang namin. Saka ko mabilis na sinagot ang tawag, bumalik ng ganoon kabilis yung malaking ngiti ko.
"Hey, 'sup Ms. Alvarez" Bati ko.
"Huh? What the heck?" Mahina akong natawa sa kalituhan ng boses nya.
"What is it Leonie?" Pag iiba ko na alam kong mang iinis sa kanya.
"What the hell is wrong with you? Tama ba ako ng number?" Lumakas ang hagikgik ko, dahil doon di rin natahimik yung dalawa na nakikinig pala sa mga sinasabi ko.
"Yep, this is Francesca Romero po." For a second, nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya na medyo tumakot sakin. Pikon pa naman itong girlfriend ko.
"Wrong number nga ako." Turn ko to be confused, nilayo ko rin sakin ang cellphone at dinoble check ang screen.
"LJ? Si Frankie to." Pag cla-clarify ko.
"Wrong number nga, I was trying to call mahal ko eh." Ilang segundo kong kinailangang i-process ang narinig ko ng impit akong mapa tili, niyakap ko rin ang puno sa sobrang kilig.
"Eeeh wag ka nga" Her elegant chuckles filled my ears.
"May hinihintay pa kami kaya may time akong tawagan ka. I miss you" Napa lunok ako , kasabay noon nawala na ng tuluyan sa pwesto ang puso ko sa labis na pag tibok nito.
Since ma discharge ako nawalan kaming dalawa ng pagkakataon magkita. Tumutulong din kasi sya sa paghahanap kay Leon na in hiding this last few weeks. Nawala nalang daw ito bigla na parang bula.
Walang na kwe kwento si daddy para maunawaan ko ang sitwasyon, pero ang alam ko lang tumutulong si LJ as much as she can. Kaya naging jam-packed ang daily schedule nya.
Sumabay pa ang trabaho nya, so kung di busy sa pag tulong kay daddy kinakain ng work appointments ang oras nya. Medyo dejected man ako, wala akong choice at ayoko ring maging clingy lalo pa't ayoko ipakita yung pagiging immature ko.
"I miss you, super. Gusto na kitang makita." Kinutkot ko ang maliit na butas sa balat ng puno.
"I'll try to see you, tutal araw naman ni Trinity to sleep over. I wanna see you too. You don't know how much I'm aching right now." Madiin akong pumikit kasi parang mababaliw akong diko sya mayakap ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/347000332-288-k637804.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...