Napa balikwas ako ng bangon ng biglang magkaroon ng ingay. Tumambol ang puso ko, katulad ko nagising din si Demi.
Napa tayo kami para malaman kung anong commotion ang meron sa labas ng kwarto, nag iingay si Trinity at nasa likuran nya si Paul na may dalang cake.
Dahil sa foggy ang utak ko, wala akong naintindihan sa nangyayari. Lumabas sila sir sa kwarto na malapit sa hagdanan, na gulong gulo ang buhok. Bumukas din yung pintuan sa kwartong katapat ng samin at lumabas si Cece, for a split second nasilip ko yung sleeping figure ni LJ na shockingly parang di naririnig yung ingay.
Sumabay kami sa pag kanta nila ng happy birthday, ilang beses akong napa hikab, kumikirot din yung mata ko sa labis na antok.
After noon at after magpa salamat si sir sa pambubulahaw nila Trinity, bumalik na sya sa kwarto at sinabing bukas na sya kakain ng cake. Si Demi wala ring salitang pumasok sa kwarto, naka pikit akong tumungo sa CR ng maramdaman ang pantog ko.
Naka panga lumbaba akong umihi till sa ma idlip ako. Diko alam kung ilang seconds yon ng marinig ko yung turning nung doorknob. I can't remember if na lock ko.
Nanlaki ang mata ko, itinaas ko ang panty at pajama. Pag bukas ng pinto nag tagpo ang mata namin ni LJ.
Narinig ko yung mga crickets...
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ng isarado nya ulit ang pintuan. Nag flash ako saka ko sinuri sa salamin ang itsura ko. Maga ang mata ko at buhol buhol yung buhok kong diko napa tuyo ng maayos kagabi.
But I tried my hardest to look presentable, when I exited she's still waiting by the door,wala ng ibang mga tao kaya feeling ko ilang minuto akong na idlip habang umiihi.
Bumalik kay LJ ang atensyon ko,sobrang dami kong gustong sabihin pero sa ngayon diko mahanap yung lakas na mag salita. Dinaanan nya ako at pumunta sa banyo.
Bumuntong hininga ako at nag lakad ng pabalik balik sa iisang pwesto. I did that until I became dizzy.
It takes her a minute to come out and when she does she still doesn't want to even acknowledge my presence.
"You still don't want to talk to me?" Tanong ko. Hindi sya sumagot, humarang ako sa lalakaran nya ng subukan nya nanaman akong iwasan.
"What are we LJ?" Bumagsak ang balikat ko, by now nanghihina na ako. "I mean, are you jealous? Why are you ignoring me? Why are you acting like this? Like... Like I cheated, if in the very first place, wala namang tayo" Matalim yung tingin nya ng salubungin ang mata ko.
"Yeah, walang tayo. So please stop pestering me. And I'm not ignoring you, I just don't want anything to do with you" Para akong sinuntok sa sikmura ng marinig yon.
"Why are you saying t-things like that? Ano bang ginawa ko? Bakit nagagalit ka sakin?" Naiiyak na sabi ko.
"Stop being a baby." Kinagat ko yung ibabang labi na nanginig.
"Hindi ko boyfriend si Ace, he's gay and if ate Crystal finds that out baka malaman ng pamilya ng kaibigan ko kaya wala akong choice kundi maging pretend girlfriend nya. Hindi ako nag sinungaling sayo. Ikaw lang ang gusto ko LJ" Walang lumitaw na emosyon sa mukha nya.
"I don't care Frances, I don't care" Nilagpasan nya ako at bumalik sa kwarto nila. Naiwan akong umiiyak at naka titig doon sa kaninang pwesto nya.
I felt like this was one of those nightmares that I experience when I'm tired, and in this instance, I wanted to wake up.
***
Maulan ang second day namin at napipikon ang lahat, may naka plano na yata silang activity. By ten am after mag late breakfast, naupo kami nila Demi at Trinity sa salas at nag scrabble.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...