Chapter 18

181 14 0
                                    







"Demi pa alalahanan mo syang inumin yung gamot nya. Sayo lang ako may tiwala" Nag salute na parang sundalo ang kaibigan ko sa sinabi ni Daddy.

"Yes sir, akong bahala sa kanya sir" Napa ngiti si daddy na madalas ay aliw na aliw sa antics ni Demi.

"Salamat, just call me if she doesn't want to obey you. Ikaw ang in charge, okay?" Napa simangot ako sa narinig. Madalas kasi OA si Demi. Malamang na ipang bla blackmail nya nanaman yung sinabi ni daddy.

"Yes sir, thank you sir" Ibinaba ko yung kamay nyang naka saludo parin.

"Ibaba mo na nga, para kang baliw dyan" Humalik ako kay daddy saka itinulak na ang kaibigan ko sa sasakyan.

"Frankie mag ingat kayo" Habol pa ni daddy.

Pag upo sa malambot na upuan sumandal ako at pumikit.

"Sayang di ako nakapag ba bye kay ate Flo, gusto ko pa namang matanong kung pwede ko ng panoorin yung prenup video" Umiling ako sa kanya.

"Wag mo na syang kausapin kasi di sya matutuwa, kinukulit sya nung si Eugene." Pero inilabas ko ang cellphone para ipakita na sa kanya yung video na naka save sa cellphone ko.

"Woah! Sobrang ganda nya, para syang Dyosa" Hinayaan ko na muna syang mag simp sa tabi at bumaha ng papuri mula sa kanya. Kung pwede din daw sya nalang ang magpapa kasal kay ate.

Ewan ko sa kanya, kung anu ano talaga ang naiisip nya. Kaya most of the time diko sure kung sino talaga ang totoong crush nya.

"Alam mo bang naka ready na yung susuutin ko? Sayang talaga at di natuloy" Reklamo nya pa. Nag vibrate ang cellphone ko ng mag request ng video call si Ace. Kaagad ko namang in-accept

"Hey babe" Tinapat ko sa mukha naming dalawa ni Demi ang camera at sabay na nalaglag ang panga namin sa nakita.

"Shhh gusto ko lang i share" Di ako kaagad na naka get over ng makita yung natutulog na si Tyrone sa tabi ng kaibigan ko. Naka yakap pa ito kay Ace.

Kaagad na ini screen shot ni Demi iyon after kinuha nya sakin ang cellphone. Di parin ako maka paniwala na yung tahimik na si Tyrone mukhang nabilog na ni Ace.

"Huy Bakla anong ginawa mo?" Tumaas ang isang kilay ni Ace na merong pagmamalaki sa mukha.

"Kagagaling namin sa gym. Napagod kaya pina tulog kona muna" Nalukot ang ilong ni Demi.

"Wag mong sabihing pinagod mo?" Tumawa ng mahina si Ace.

"May damit pa kami, so hindi pa" Balik nya naman. Pa effect kaming nag gagged ni Demi.

"Spare me the details please" Tumango ako.

"So anong score" Usisa ko, nag kibit si Ace.

"Dipa kami nakakapag usap pero I think he's game" Nagka titigan kami ni Demi.

Ang mahalaga lang naman samin ay yung hindi sya masaktan. Pagdating kasi sa pag ibig may pagka tanga sya, o talagang magka ibigan lang kami na sa sobrang bait namin pinag sasamantalahan na iyon ng iba.

At napaka buting tao ni Ace para laging masaktan. Alam kong deserve nyang maging masaya kahit pa in secret lang sila for now. I wish na sana hindi dumagdag ito sa patung patong ng heartbreak nya.

"Babe kung saan ka masaya. Basta wag mong kakalimutang mag isip, okay? Wag puro puso" payo ko.

"Of course. Be safe mag kita tayo next week" Turan naman nito.

"Tandaan mo Ace na ang utak mo nasa ulo, okay? Wala sa baba" Natawa sya.

"Bye na babies ko" Nag flying kiss pa sya saka ibinaba ang video call.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon