0.0.2 - Ilog Beata

63 9 5
                                    

Nasaulan niring balintatawang nangakaraang araw,kaluluwa ko'y kusang dumadalaw;sa Ilog Beata't Hilom na mababaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasaulan niring balintataw
ang nangakaraang araw,
kaluluwa ko'y kusang dumadalaw;
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw.

Ito'y isang malinis na anyong tubig;
tagpuan nina Francisco at Selyang umiibig,
himutok ko'y natatamasa,
alaalang punong-puno ng pangungulila.

Sa bawat titik ng librong inilathala,
pamagat ng aklat ay Obra Maestra,
doon ko nalaman ang pag-iibigan nila;
kagiliw-giliw, kahanga-hanga!

Dalisay na pag-ibig ni Kiko'y ipinahayag
do'n sa sintang Selyang nagbigay sa kan'ya ng bagabag,
siya'y kutad sa gano'ng lagay,
ginugol ang panahon, purong pag-ibig inalay.

'Di n'ya matiis ang pagdaralita,
namugad sa kan'yang dibdib ang kanilang gunita,
nawa'y pag-iibiga'y muling magsama,
sa tagpuang pook na tinatawag na Ilog Beata.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon