0. 25 - Alam ko... Kaya Mo

27 4 8
                                    

Alam ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alam ko... Alam kong nabibigatan ka na ngayon sa mga pinasan-pasan mo.

Alam ko... Alam kong para sa 'yo, wala nang pag-asa sa buhay.

Alam ko... Alam kong gusto mo na lang maglaho pansamantala upang matakasan ang samu't saring mga problema.

Alam ko... Mabigat para sa 'yo ang bumangon sa umaga at salubungin na naman ang walang kasiguraduhang mundo.

Alam ko... Na sa tuwing hindi ka mapakali, panay ang pagbuntonghininga mo upang maipalabas lamang ang suliranin mo sa loob.

Alam ko... Alam kong hindi madali. Alam kong nakakapagod. Kasi oo, kagaya mo, naranasan ko rin ang puntong ayaw ko na at sukong-suko na ako.

Alam ko... Alam ko 'yong pakiramdam na walang mapagsasabihan. Alam ko 'yong pakiramdam na, mag-isa mong hinaharap ang mga dagok na hatid ng mundong ito.

Alam kong hindi madali at komplikado ang mga bagay-bagay ngunit sana... sana pakatandaan mo na kung nalampasan ko ang mga problema.

Naniniwala ako't alam ko...

Kaya mo!

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon