0.16 - Pagpili

20 4 13
                                    

Mapag-isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mapag-isa. Walang ni isang kasama. Napagtanto ko bigla. 'Di lahat ng tao hanggang dulo'y dadamayan ka. Ang aking mga no'ng nakasasalamuha. Unti-unti silang nawawala. Siguro gano'n nga, mas masaya sa umpisa ngunit kapag maglaon, sila rin ay kakawala.

Naging normal na sa akin ang gan'tong eksena. Naramdaman ko na ito no'n pa. Ngunit, nasa akin ang kamalian. Dahil, kahit alam ko na kung ano ang pakiramdam na maiwan. Hanggang ngayon, bagong mga taong nakikilala'y akin pa ring hinahayaan. Patuloy pa rin akong tumatanggap ng temporaryong kasiyahan kahit na alam ko nang 'di ito magtatagal.

Pero bakit kaya gano'n? Kahit alam mo nang masasaktan ka'y handa ka pa ring bumalik sa parehong kadahilanan? Kahit na alam mong sa huli'y ikaw ang maiiwang luhaan. Bakit kaya gano'n? Siguro, ang rason, dahil kahit hindi panghabang-buhay ang sayang matamasa, ang mahalaga naramdaman mo kahit papaanong pahalagahan.

Ang gulo talaga ng buhay ng tao 'no? Mas pinipili pa rin nating maranasan ang mga bagay na temporaryo. Kahit na wala nang natira sa 'tin sa dulo. Pipiliin at pipiliin pa ring ipagpilit ang sarili sa ibang tao. Sana sa susunod, magawa ko na talagang piliin, hindi na ang iba kundi ang sarili ko.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon