0.0.1 - Labandera

114 11 16
                                    

Tagistis ang kan'yang pawis habang pinapalo ang maruruming damit sa batis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagistis ang kan'yang pawis habang pinapalo ang maruruming damit sa batis. Pinipiga ang nakapaloob nitong tubig upang matuyo-tuyo nang kaunti ang damit. Bumalisbis ang kan'yang mga pawis. Naghahabulan sa pagtulo sa kan'yang kulay-kayumangging balat na maninipis. Puno ng sugat ang kan'yang mga daliri, iniinda niya ang sakit. Mataas pa ang sikat ng araw, tinitiis n'ya ang nararamdamang uhaw. Kasama n'ya ang kan'yang mga amega, simula pa kaninang umaga. Ngunit sa kabila ng pananakit ng kan'yang likod dulot ng pagod. Nagawa n'yang ipagpatuloy ang trabahong tanging bumubuhay sa kan'yang tatlong maliliit na supling na kan'yang iniwan muna sa tahanang wala nang tatay na kapiling.

Oo, isa s'yang biyuda. Namatay na ang kan'yang kapares, sa hirap man o sa ginhawa. Masaklap ang kan'yang estorya. Ngunit, 'di s'ya nawalan ng pag-asa sapagkat and'yan pa ang kan'yang mga anak na nangangailangan ng kalinga. 'Di man ito madali para sa kan'ya, handa s'yang lumaban para sa kan'yang pamilya. Lipos-hirap man ang sasapitin n'ya, 'di n'ya ito binibigyang pansin bagama't kung ang sukli nama'y matatamis na ngiti mula sa kan'yang mga supling.

'Di biro ang kan'yang trabaho dahil nangangailangan ito ng matinding sakripisyo. Binubukalan niya'y 'di sa marangyang estado. Sa kan'yang pag-uwi sa tahana'y bitbit lamang n'ya ang iilang sentimo. Ngunit sa kapira-pirasong barya, nabuhay n'ya ang kan'yang pamilya. 'Di man s'ya sikat sa madla, ngunit isa s'yang huwarang ina. Siya ay isang labandera.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon