"Mahirap arukin ang saloobin ng isang tao,"
aniya nga ng nabasa kong libro;
akala mo'y kilala mo na ng buo
ngunit, 'di pala sapagkat nagbabalatkayo.Ang panlabas nitong kaanyuan,
madaya - ito'y 'di repleksyon ng kan'yang panloob na kaugalian
ang akala mong nakikitang kasiyahan,
isa pa lang balatkayo lamang.Anupa't pakatandaan,
maaari mong malinlang ang sangkatauhan
sa ngiti mong matamis na para bang walang pasan-pasan
ngunit, sa sarili mo, 'di mo ito matatakasan.Itatak mo sa 'yong isipan,
wala namang masama kung nakakaranas ka ngayon ng matinding kahapisan
basta ba'y tanggapin mo ring minsa'y mayro'n ka ring kahinaan,
sapagkat 'di mo matatamo ang kalayaan kung gan'yan pa rin ang 'yong katayuan.Tutulungan kita ngayong ipaalala,
upang hapis ay 'yong maapula
lumabas ka sa karsel ng pagpapanggap
iwanan mo na ang taglay nitong kamandag.Ikaw ma'y nagbabalatkayo
ngunit ang mahalaga ngayo'y alam mo,
na 'di ka kailanman mahimasmasan
kung 'di mo piliing maging matapat sa 'yong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Randompinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...