0.11 - Hamak

25 5 4
                                    

Habang ako'y nagliwaliw sa walang kasiguraduhang mundong ito'y nakilala kita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang ako'y nagliwaliw sa walang kasiguraduhang mundong ito'y nakilala kita. 'Di ko inasahang gan'to na pala ang kamandag mong dala. Para bang sa t'wing ika'y aking nakasasalamuha. Pintig ng puso'y 'di ko halos maalintana. Nagugulumihan, naguguluhan, ano ba itong aking nararamdaman?

Sa t'wing binubuka ko ang aking mga pakpak. Mga paa'y sa 'yo, unti-unting umaapak. 'Di ko mawari ang usbong ng damdamin sa t'wing tayo'y maglapat. O aking nag-iisang bulaklak. Kailan ko kaya maambil sa 'yo ang pag-ibig na matagal na sa aki'y nakatatak?

Dala mong halimuyak ang s'yang kadahilanan ng aking galak. 'Di mo nalamang sa t'wing ika'y sumasayaw sa hangi'y ako'y nagaganyak. Gan'to pala ang iibig nang tapat? Salita lamang ay kulang pa't 'di sapat. Maangkin ka lamang ay hahamakin na ang lahat.

Bulaklak, nawa'y iyong pakatandaan. Ako ang paru-paro na para sa 'yo'y inilaan. 'Di man madali ang ating magiging pag-iibigan. Samu't sari mang dagok ang hahadlang. Hahamakin ko ang lahat, masunod ka lamang.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon