0.12 - Mulat Na Mga Mata'y Nagbulag-bulagan

22 5 4
                                    

Umalingawngaw ang tinig ng samu't saring panggabing ibonsa t'wing lulubog na ang araw sa dapithapon,wasiwas ng hangin ang s'yang mauliniganat lamig ang s'yang maramdaman sa liblib ng kagubatan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umalingawngaw ang tinig ng samu't saring panggabing ibon
sa t'wing lulubog na ang araw sa dapithapon,
wasiwas ng hangin ang s'yang maulinigan
at lamig ang s'yang maramdaman sa liblib ng kagubatan.

Nang sisikat naman ang araw,
'yong masisilayan ang mga dahon ng punong-kahoy na nagsisayaw
O kaygandang pagmasdan ng ganitong tanawin,
ngunit, sa kabilang-banda'y 'di inaasahang ito'y lilipas din.

Mulat ba ang 'yong mga mata sa karumaldumal na gawain?
ng mga ganid na makapangyarihan mismo sa bansa natin?
ang tahanan ng mga hayop ay nasira dahil sa pagkakaingin
bilang simpleng mamamayan kaya mo ba itong puksain?

Ang pagkakaingin ay isang paraan
upang maihanda ang lupa para gawing sakahan o taniman
sa paraan ng pagpuputol ng kahoy sa kagubatan
kung ito'y palaging pinagpapatuloy ano kaya ang kahahantungan?

Siguro'y mulat nga ang 'yong mga mata
ngunit hanggang ngayo'y ika'y nagbulag-bulagan pa
ano na lang kaya ang matitirhan
sa mga hayop na nakadepende lamang sa Inang kalikasan?

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon