pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date Started: July 20, 2023 Thu
Date...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Matanto sana nila ang aking halaga habang buhay pa ako't humihinga, itotono na sana nila ang kanilang pagsasalita; 'di panunumbat at pagsawalang-bahala.
Bulaklak na puti'y sa burol lamang inialay, ito lamang ay matatanggap sa oras ng lamay, ngunit sa mga panahong tao pa'y buhay walang pag-ibig ang dumadagayday.
Anupat ang luhang sa mata'y naagos ng pagkaulila sa pag-ibig n'yong lubos 'di n'yo alam ako na'y ubos, kailan n'yo kaya matanaw na ako na'y kalunos-lunos?
Kung darating na ang bukas ng aking pag-alis, sino ang sasayod ng bumugsong sakit? sa parihabang kahon kung saan natigil na ang hinagpis kahit kailanman 'di n'yo 'ko inibig.
Paalam na! 'di ko na kaya, panigurado naman 'di kayo mangungulila ito pa nga ang nais n'yo na ako'y mawala.
Ang 'yong hiling ay aking susundin, 'wag na kayong mag-atubili't magpigil, matinding sakit ang s'yang nakalulunod dito mismo sa aking puntod.