0.0.6 - Sana, 'Di Ka Na Lang Iniluwal

23 5 2
                                    

Madilim na sulok ang s'yang aking karamay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madilim na sulok ang s'yang aking karamay. Sa kahapisang inilaan sa 'kin ng buhay. Nagsilbing karsel ang sariling pamamahay. Puro pasakit saka lumbay. Sarili lamang ang naging kaagapay.

Bumalisbis ang luha. Ni walang makapipigil sa aking balisa. Dinumog ng kawalang pag-asa. Pati langit ba'y 'di ako makakaasa? O, nawa! Kaawa-awang kaluluwa!

Luha'y bumalisbis. Umalingawngaw ang pagtangis. Bulyaw n'yong 'di kanais-nais. Ang naging kadahilanan ng aking pasakit. Gan'to na lang ba ang makakamit? 'Di ako makahinga, kayo'y kayhigpit.

Tamasain sana ang galak ngunit para bang ito'y bawal. Pagkutya n'yo'y nakakawala ng aking dangal. Paulit-ulit n'yong sinasabi, "Isa kang hangal!" Dagdagan pa ng mga katagang, "Sa buhay namin, ikaw ay sagabal!" Aniya pa, "Wala kang kuwenta, sana 'di ka na lang iniluwal!"

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon