Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak
lumaganap ang hapis at diwa't luha'y lumalagaslas
isang sukab ang s'yang nagsara ng landas,
kaya ngayo'y niring dilim 'di na makalabas.Malaong natigil at 'di nakakibo
nang humampas sa 'kin ang matinding delubyo
hininga'y hinabol na ibig sanang lumayo
katawang gapos, kailan kaya mangagtayo?Tanang balahibo ko'y pinapangalisag
takot ko sa akin pa ri'y bumabagabag
negatibong emosyon sa akin ay nagpahayag;
ako raw ay walang-hiya't kahabag-habag.Pag-asa, halina't gapos ko'y kalagin
nawa'y panaghoy ko'y iyong mapansin
hikbi ko'y sana iyong sagutin
nawa'y kung ako'y mamamatay sana ako'y iyo pa ring gunitain.Dito ako't napahiyaw sa malaking hapis,
butil ng luha'y bumabalisbis
sabayan ng pawis na tumatagistis
walang tumugon, walang nakarinig.Andito ako't nanlulumo't tuluyan nang naguguho
patuloy na hinahabol ng delubyo
dito pa rin sa aking bilibid,
halos nabibihay sa habag ang dibdib.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Randompinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...