pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date Started: July 20, 2023 Thu
Date...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mayro’ng mga bagay na nais nating makuha ngunit ’di pa talaga ipinagkaloob sa atin.
Minsan nga’y gumagawa tayo ng mga bagay na ’di kaaya-aya upang maabot agad ito.
Minsan din, nagiging makasarili tayo.
Iniisip lamang ang sarili.
Palaging nakasentro ang sariling kapakanan.
’Di natin naiisip, na ang lahat ng bagay ay may kaniya-kaniyang panahon.
Kahit anong pilit kung hindi pa talaga oras, ’di talaga iyon uusbong.
May kadahilanan kung bakit ’di pa naganap ang isang bagay o ’di mo pa ito nakuha, dahil tinuturuan kang pahalagahan ang mga bagay na mayro’n ka ngayon.
’Di mo naman kasi mapapasalamatan ang mga bagay na paparating pa sa ’yo kung hindi ka marunong magpasalamat sa kasalukuyang naangkin mo.
’Di madaling maghintay, alam ko, ngunit pakatandaan na mas matamis ang resulta kung pinaglaanan mo ito ng mahabang pasensya.
’Wag ka lang mawalan ng pag-asa sapagkat kung ano man ang nais mong makuha, ibibigay iyan sa ’yo basta patuloy ka lang na maniniwala.