'Wag malilingat at pag-ingatan ko
ang bumugsong damdamin ko para sa 'yo
o aking nag-iisang binibining nagpabihag sa aking puso,
ikaw lamang ang s'yang aking mundo.'Di ako magsasawang ipahayag ang aking pagtingin sa 'yo sa pamamagitan ng kalatas,
purong pag-ibig ko kailanma'y 'di maaagnas,
niring bibig ikaw ang palaging ambil
walang sinuman pati sa Padre Damaso ang makapipigil.Aking nag-iisang Maria Clara,
Wala na akong pangamba pa
sa harapan ng Kataas-taasan na aking sinasamba;
mismo sa Kanyang altar ikaw ang idadala.Ngunit 'di ko inakala
na tayo'y uusigin pala ng tadhana
'di ko inaasahang ikaw sa aki'y mawala
dulot ng bulok na sistema sa 'ting bansa.Hindi lang iisa ang aking kalaban,
pati na rin ang aking ipinaglabang taumbayan
tinutop ang aking puso't nagsaysay,
"kahit anumang mangyari, puso ko'y sa 'yo lamang iaaalay".Aking Maria Clara na lubusan kong inaalala,
pakatandaan mo nawa
na may nag-iisang binata na sa 'yo'y itinadhana;
nagngangalang Crisostomo Ibarra.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Randompinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...