0. 24 - Diyanitor

21 4 6
                                    

Tagaktak ang mga pawis habang iniinda ang sakit ng kan'yang likod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagaktak ang mga pawis habang iniinda ang sakit ng kan'yang likod. Bumalisbis ang kan'yang damdaming kanina pa tiniis ang pagod. Hawak n'ya ngayon ang walis tingting kalauna'y walis tambo upang linisin ang buong sulok at dako ng paaralan na kung saan din nag-aaral ang kan'yang mga supling. Siya lamang mag-isa ang kasalukuyang nagkimkim ng maliliit na alikabok saka taos-pusong ininda ang kagat ng mga lamok. Mula umaga hanggang hapon, wala s'yang ibang pinagkaabalahan kundi ang panatalihing malinis ang institusyong nagpalawak sa kaalaman ng kabataan.

Walang kahit isang salita ang 'yong mapakikinggan. Mga salitang walang kabuluhan. 'Di mo ito matatagpuan sa kan'ya sapagkat bitbit n'ya ang puso't kaluluwa sa kan'yang kasalukuyang ginagawa. Dala n'ya ang kan'yang buong pagkatao. 'Di niya kinakahiya ang kan'yang trabaho.

Siya'y isang huwarang ama na walang ibang nais kundi ang protektahan ang kan'yang mga anak sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan. Kung saan matatagpuan ang samu't saring mga mag-aaral na walang ibang hiling kundi ang makapagtapos ng kanilang mga pag-aaral. 'Di man alam ng mga ito na kasama nila sa pagtupad ng kanilang mga pangarap ang diyanitor na kahit 'di man matanggap-tanggap ang kahit katiting lang na parangal, 'di pa rin nagtigil sa pagsagawa ng kan'yang tungkulin sa bayan.

Diyanitor, 'di man siya isang tampok na trabaho ngunit malaki ang naitutulong niya sa bawat-isa. 'Di man n'ya makuha ang pinakamalaking sahod ngunit para sa kan'ya hindi ito ang mahalaga. Ang mahalaga, na kahit isa lamang s'yang diyanitor, sa kan'yang trabaho, lagi n'yang bitbit ang saya. 'Di man siya nakapagtapos ng sekundarya o tertiarya. Taas-noo n'yang isasabahagi, isa s'yang diyanitor at 'di niya ito ikinahihiya.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon