0. 46 - Bulwagan

17 2 0
                                        

Kung maakit ka man ng armonya ng orkestra. Mararapatin kong ihimig ang paborito mong musika habang iniayos ko ang aking kurbata. Binibining marilag, rikit mo ngayong gabi'y ibabandera ko sa gitna ng napakahabang alpombra.

Matutunghayan mo ang nahahanayang mga masetas at mga paso ng bulaklak na s'yang nakapatong sa mga pedestal. Sari-sari ang kulay. Kagilas-gilas na liwanag ang s'yang sasalubong sa 'tin habang isinasayaw kita sa gitna ng bulwagan. Mapapapikit ako sa napakaaya-ayang amoy na nanggaling sa nakapusod mong buhok. Ngiti mo'y nakakaganyak na nagpapukaw sa puso kong sa noo'y walang muwang; tulog.

Magkabukod ang mga lalaki't babae, tulad na lamang sa mga simbahang Katoliko't maaari ring sinagoga. Mga paningin nila'y sa 'ting dalawa lamang nakalapat. Alindog mo'y katangi-tangi kung ikokompara sa ibang binibini. Walang kapantay, ni walang tutulad. Ika'y marikit na bulaklak na sa 'ki'y nagpabihag.

"Por favor, binibini, maaari mo pa rin ba akong samahan sa gitna ng bulwagan hanggang matapos ang masiglang tugtugan? Kung oo, ang 'yong sagot, atin nang ipagpatuloy ang nasimulan."

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon