pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date Started: July 20, 2023 Thu
Date...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagbuntonghininga’t nag-isip nang malalim habang hapis ay kinikimkim kasalukuyang pagtaghoy ay kalumbaylumbay loob ay unti-unting nabibihay.
Nawa’y sa lubid ng hinagpis ay makalag sapagkat niring nasapit na napakarawal nagitlahan sa mga naganap kundangan sa malaking habag.
Daragitin nawa ang kalungkutan lumbay ay tuluyan nang mapakawalan niring loob ng bilibid tuluyan nang gulong-gulo ang isip.
Tamis ng halakhak na kahalak-halak umugong sa loob, nakakaganyak ngunit sa katunayan; ang tawang ’yon ay may pagpapakahulugan.
Sinuling-suling ang loob puro emosyong baluktot dulot ng pagkakabilanggo mismo sa bilibid, naguho.