A short time later, two uniformed officers show up at the door. Lucas reluctantly lets them in. “May natanggap ho kaming report na may babaing nakakulong dito againts her will.” seryosong sabi ng lalaki.
“Hindi ho totoo ’yan, officer. I’m protecting her. It’s literally my job.” paliwanag nito saka ako tiningnan ng seryoso. Hindi siya pinansin nong policeman at saakin ito tumingin.
“Ayos ka lang ba, Miss?” tanong nito at umiling ako saka nagpanggap na umiiyak.
“I―I need help, sir! H―He kidnapped me!” sabi ko at napabuga ito saka tumingin saakin.
“That‘s not true! Alam mong hindi totoo yan, Isabella!” naiinis nitong sabi at pasimple ko itong nginisihan.
“Tama na ho. Sumama nalang ho kayong dalawa saamin sa presinto para makapagbigay ng statement.” saad nito na kinatayo ko ng marahas saka tiningnan ito.
“Dámn it! I don’t have time for this, officer!” sabi ko saka nilipat kay Lucas ang tingin ko at masamang itong tiningnan. “If anything happens to Blake, Lucas, sinasabi ko sayo na pagsisihan mo talaga ito!” sigaw ko, wala na akong pakialam kahit sino pa ang nasa tabi namin. Huminga naman ng malalim si Lucas saka pinakita nito ang ID badge nito sa officer.
“I’m a cop. It’s a complicated situation. Pwede bang bukas nalang kami pumuntang umaga para ibigay ang statement na yan.” sabi nito at tumingin naman si officer saakin saka ito tumango.
“Sige, ayos lang. Pero pag hindi kayo nagpakita bukas, babalik ako dito kasama ng team ko para hulihin ka.” sabi nito at tumango naman si Lucas.
Pagkaalis nga ng officer ay agad akong nagmakaawa sakaniya. “Nakikiusap na ako, Lucas! G―Gustong-gusto ko na talagang malaman ang lagay ni Blake.” umiiyak kong sabi. “Kung kinakailangan na tumalon muli ako sa bintana at sa kahit na anong paraan para makalabas lang dito ay gagawin ko!” saad ko. “Wag mo na akong pahirapan pa, gusto mo paba akong lumuhod?” sabi ko at gagawin ko na sana ng hawakan nito ang magkabilang braso ko saka umiling.
Tiningnan niya ako ng mataman saka huminga ng napakalalim. “Hindi mo ba alam na nilagay mo na agad sa kamatayan ang buhay ko ngayon palang.” sabi ko at umiling ako.
“Pangako, gagawin ko ang lahat..kung makiusap kay Blake gagawin ko para di niya gawin yon ay gagawin ko, tulungan mo lang akong makapunta sakaniya.” halos magmakaawa na ako dito at naglabas ito ng marahas na paghinga saka tumango.
“Fine, pinapayagan na kitang makalabas dito, magpapatawag na din ako ng bangka para masakyan, pero kasama mo ako.” sabi nito at tumango ako.
Ibinalik naman ako ni Lucas sa ship kung saan kami sumakay ni Blake kagabi, pero wala na ito doon. Ang sabi ni Lucas ay andito pa daw ito kaninang umaga dahil nakausap niya pa ito. “Where is he? Where is Blake?” sigaw ko kay Lucas pero bago pa man siya makasagot ay tumunog na ang cellphone nito.
Halata ang gulat sa mukha nito habang kinakausap ang nasa kabilang linya. “Yeah. Okay. Got it. Understood. No, she’s right here. Yes, I’ll tell her.” sabi nito saka ito humarap saakin at huminga ng napakalalim.
“Oh Fúck! Tell me what’s going on?!” sigaw ko ng hindi ito magsalita pero napayuko ito at para naman akong hihimatayin sa pagiisip kung ano bang nangyari kay Blake.
“Papunta palang sana si Blake sa lugar ni Bill para i-ambush ito pero inunahan na siya nito.” sabi niya na kinailing ko. “I’m sorry, pero walang nakakaalam kung nasaan ito ngayon dahil silang dalawa ang nagtutuos ni Bill.” sabi nito at napahawak naman ako ng mahigpit sa tyan ko, at agad niya akong inalalayan.
“... P―Puntahan natin siya..pakiusap.” nahihirapan kong sabi at kahit parang ayaw nito ay tumango padin ito.
Pagkarating ko sa strip club ay agad kong ginala ang aking mata sa paligid habang hawak ang tyan ko. Please..kumapit kalang, nakikiusap ako... hahanapin lang nating ang bwesit mong Daddy, saad ko saaking utak.
YOU ARE READING
A DANGEROUS MAFIA BOOK1&2
RomanceYou're no stranger to dangerous men, but when the infamous, sinfully hot Alexandro Blake Miller stumbles into your hospital, you find yourself swept into mafia turf war like no other. Are you strong enough to tame the devil within.