In a split-second decision, I slip out of a side door and follow him. He sidestep into the light. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Lucas. Anong ginagawa niya dito?
Lucas looks at his watch, then around the alley nervously. Is he.. waiting for someone? A Connolly? Or maybe A Lactus, perhaps? Is he giving our enemy information? I can't take the risks! Kailangan kong malaman kung sino ang hinihintay niya.
Agad naman akong yumuko at hinawakan ang tyan ko dahil para akong maduduwal sa kaba sa pwedeng makita ko. Hanggang sa isang kotse ang huminto sa tapat niya at lumabas ang isang lalaki.
What?
My father steps out of the car, shaking Lucas's hand. Oh my god! Lucas is a cop! No wonder madaming nalalaman si Papa sa nangyayare saamin ni Blake.
“Mas lumalala na ang sitwasyon, sir. Nagbaba na ng utos si Blake na tatapusin na niya mamayang gabi ang pamilya Connolly.”
“Lintek talaga ang lalaking yan! Hindi ba niya alam na mas lalong lalala lamang ang gulo sa desisyon niya, habang ang anak ko ay nadadamay sa gulo ng mga demonyong 'yon. Hindi ako pwedeng tumunganga lang, hindi pwedeng may mangyari sa anak at apo ko..” sabi nito at napahawak naman ako ng mahigpit sa suot kong bag. Me and the baby was the first thing that came to his mind.
“Mapipigilan pa ba natin ang plano ni Blake?” tanong ni Papa at umiling si Lucas.
“I'm afraid it's too late for that, sir.” sabi nito at huminga ng malalim si Papa.
“I need something from you, Lucas. As a father, not your superior.” sabi nito at tumango naman si Lucas.
“Anything, sir.” sagot nito.
“Protect my daughter. At all cost.” sabi ni Papa at tumango si Lucas. A tightness grips my chest, and a lump forms in my throat.
He must really care.
Bumalik na agad ako sa coffee shop kung saan nagaantay si Mike pero wala na ito, nasaan na 'yon? Did he leave without me?
Muntik naman na akong mapatalon ng may humawak sa balikat ko at paglingon ko ang nagaalalang mukha ni Papa ang nakita ko.
“Why are you so jumpy?” natatawang sabi nito at napasimangot ako.
“You came at me from behind. What do you expect?” tanong ko at napatingin naman siya sa paligid.
“Bakit mag-isa kalang? Alam mong hindi ligtas ang nag-iisa kalang.” sabi nito at hinarap ko siya.
“The better question is why are you here? Bakit kasama mo si Lucas?” tanong ko at halata ang gulat sa mukha niya.
“Nakita mo?” tanong nito.
“I have eyes, father.” sabi ko at huminga siya ng malalim.
“H'wag na h'wag mong sasabihin kay Blake. Wag mong hayaan mas lalong malagay sa kapahamakan ang buhay nito na matagal ng nasa kapahamakan simula nong pumasok ito sa negosyo ni Blake.” napangiwi naman ako.
“You know I can't promise that.” sabi ko.
“Kapag sinabi mo kay Blake ang nalalaman mo, paniguradong sunod na makikita mo si Lucas ay pinaglalamayan na dahil may bala ito sa ulo.” Sabi nito na kinabuga ko. Dámn it. He's right.
“Let me take you home, please. If not for you, the baby.” sabi nito at huminga ako ng malalim at pagbubuksan na sana ako ni Papa ng pintuan ng may humila saakin palayo sakaniya.
“Mike?” gulat kong sabi at kumunot agad ang noo nito.
“Where have you been, huh? Kanina pa kita hinahanap, ba't hindi ka nagpapaalam.” galit na tanong nito at napaawang nalang ang labi ko at di magawang magsalita.

YOU ARE READING
A DANGEROUS MAFIA BOOK1&2
RomanceIsabella Reizl Montereal is no stranger to dangerous men, but when the infamous, sinfully hot Alexandro Blake Miller stumbles into her hospital, she finds herself swept into mafia turf war like no other. Is Isabella strong enough to tame the devil w...