Itinaas ni Blake ang kamay niya para patigilin ako. “Isabella, stop. Let your father do his job.” sabi niya at magsasalita pa sana ako pero nilapitan na niya ako at hinawakan ang pisngi ko. “Calm down, darling. I’ll be back soon.” sabi nito na kinapikit ko. “Wag kang magsasalita kahit kanino hanggang hindi ako bumabalik, okay? Can you do that for me?” sabi nito at umiling ako.
“Natatakot ako, Blake. This doesn’t make any sense. Kung about ito kay Sophia, ako ang pupunta.” mahina kong sabi at umiling ito at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.
“You don’t need. I promise I’ll get this sorted out. You have my word.” sabi nito.
“Don’t make promises you can’t keep, Blake.” sabi ko at ngumiti ito.
“You know I’ve never promise you anything I wasn’t sure of. I just need you to trust me, darling.” sabi nito na kinatango ko kaya binitiwan na niya ako saka ito lumapit kay Papa.
“I can’t believe your doing this, Pa.” mahina kong sabi at huminga siya ng malalim.
“I’m just trying to do my job, anak.” sabi nito saka niya ako niyakap at sumama nga si Blake dito ng kusa, at sinubukan ko namang kalmahin ang sarili ko. I must calm down. Everything will be okay. It has to be.
Palakad-lakad lang ako sa buong sala ng tumunog ang phone ko and it’s from Veron.
“Veron? How are you?” tanong ko agad dito pagkasagot ko palang.
“I’m okay. Just...exhausted. Can you meet me at the cafe?” tanong nito. Sobrang dami ang nangyari nitong mga nagdaang araw at wala na akong time para madalaw si Veron sa ospital, hindi ko pa ito nakakausap since nabaril ito ni Sophia.
“Of course, I can meet you. I’ll meet you there in a half of hour.” sabi ko.
“Thank you, Isabella. I just.. really need a friend right now.” saad nito na kinangiti ko.
Veronica is waiting when I arrive. Gosh, she looks as tired as she sounds. “Hey, how have you been?” tanong ko pagkaupo ko. “Bakit nagpadischarge ka agad?” tanong ko dito.
“Naboboring na ako.” saad nito na parang pinipilit pasiglahin ang boses niya pero mukhang bigo ito at napayuko nalang. “I―It’s so brutal, Isabella. H―Hindi ko kayang mag-stay sa ospital, naaalala ko lang t’wing gabi kung paano ako kinuha noong babaing ‘yon at pahirapan. H―Hindi ako makatulog, palagi ko siyang napapanaginipan.” umiiyak na sabi nito kaya agad kong hinawakan ang kamay niya. “Everytime I close my eyes, I see Sophia. The way niya akong tutukan ng baril para lang tawagan kita .. She wants to use me to call you but I can‘t.. iniisip ko na kung tatawagan kita baka mapano kayo ng baby mo, sobrang takot na takot ako non, she even hanging me on the building, napakasama niya!” umiiyak na sabi ni Veron.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay nito habang inaalala niya ang mga nangyari sa kaniya sa kamay ni Sophia. “I’m sorry you went through that, it was my fault. I―I wish I could say or do anything to make it better.” sabi ko saka pinunasan ang luha nito. Veron offers a weak smile.
“I kind of decided that I needed to start over.” sabi nito na kinakunot ng noo ko.
“Start over? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Nagresigned na ako, kanina lang. I’m moving back to my hometown.” saad nito at para namang sumikip ang dibdib ko sa isiping aalis nasi Veronica, agad kong kinagat ng mahina ang labi ko para pigilan ang pagiyak ko.
“I’m going to miss you, pero naiintindihan ko. Alam kong kailangan mo munang makasama ang pamilya mo para makalimot sa mga nangyare sa’yo.” sabi ko at tumango siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/344972668-288-k579291.jpg)
YOU ARE READING
A DANGEROUS MAFIA BOOK1&2
RomanceIsabella Reizl Montereal is no stranger to dangerous men, but when the infamous, sinfully hot Alexandro Blake Miller stumbles into her hospital, she finds herself swept into mafia turf war like no other. Is Isabella strong enough to tame the devil w...