Happy Reading😊
"Thank you Sir. Balik po kayo."
Nginitian ko ang Sales lady bago akk nag-marsta palabas ng Boutique Store.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad ng mapatigil dahil narinig kong tumunog ang cellphone ko. Hinugot ko iyon mula sa loob ng aking bulsa at tiningnan.
Beth:
Zy nasan kana? Mag-uumpisa na yung party.
Shemay!
Nakalimutan kong may pupuntahan papala akong birthday party. Agad akong nagtipa ng irereply sakaniya.
Ako:
Sige papunt-
Umahon ako sa pagkaka-yuko dahil may narinig akong isang malakas na iyak ng bata. Na siyang rason kung bakit nagpatigil sa 'kin sa pagtipa.
Agad hinahanap ng paningin ko iyon. At sa wakas nakita ko narin! Umiiyak ang isang batang babae. Tingin ko ay nasa apat na taon palang ito. Maputi siya at kulay blonde ang kaniyang buhok na para bang may lahing amerikana. Ang dalawang singkit na mata nito ay mapula dahil sa pag-iyak. Mahabang pilik-mata at makapal na kilay. Nag-kulay kamatis din ang nakakatulis nitong ilong. At higit sa lahat ang kaniyang manipis at kulay rosas na labi.
Binalik ko sa bulsa ang cellphone ko. Nag-aalangan pa ako kung lalapitan ko ang umiiyak na bata, pero sa huli ay nadatna ko nalang ang sarili kong naglalakad papalit sa bata.
"Hi baby girl, nawawala kaba?" Tanong ko. Obvious naman Zyden tinanong mong mo pa! Lumuhod ako para mapantayan ang siya.
Sandali itong tumigil sa pag-iyak ang hinarap ako. Ang kaninang umiiyak na bata ay malaking nang nakangiti ngayon ng magtama ang tingin namin.
"Mommy!" Masigla nitong sambit at bigla akong niyakap.
Sa gulat ko ay natulala ako panandalian. Ano raw? Mommy? Bakit ako tinawag ng Mommy nitong bata itong? Alam ko naman mukhang babae ako pero grabe naman Mommy para akong naman akong matanda.
Kumalas ito sa pagkakayakap.
"Mommy, I thought you leave us."
Nag-english 'yung bata, mukhang mapapalaban ako nito.
"Baby girl are you okay?" Tanong ko ulit at hinawakan ang makabilang balikat nito.
"I'm okay now, Mommy. You're here na."
Conyo rin pala itong bata na 'to.
"Nasaan ba ang parent mo? Sino ang kasama? Ba't ka naman nila pinabayaan." sunod-sunod kong sambit
"I'm with Yaya Lena, but she suddenly disappeared. I'm so scared Mommy. I thought I could not go home. Pero ngayong nandito kana po ay hindi na po ako natatakot. I'm safe now!" Nakangiting sabi nito.
"Baby girl, I'm not your Mommy," pag-aamin ko. Dahil hindi naman talaga ako ang Mommy niya.
Nakita ko ang pagbabago ng expresyon nito. Unti-unting itong nag-pout ang mapula nitong labi at wala pang limang segundo ay muli nanaman itong umiyak ng malakas.
Nataranta ako bigla kaya agad ko siyang niyakap. "Yes, yes. I'm your Mommy," labas sa ilong kong sabi para lang tumigil ito sa pag-iyak.
Tumahan naman ito sa pag-iyak. Napabuntong-hininga ako. Jusko naman, ba't niyo naman po ako pinahihirapan ng ganito?
Tumayo ako at hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay.
"Mommy where we going?" Inosenteng tanong niya.
"We will find your Yaya Lena," sagot ko.
Wow Zyden! First time mong mag straight English.
Ngumiti naman ito at naglakad na kami. Sa totoo lang ay hindi namin hahanapin ang Yaya niya, dadalhin ko siya Mall Counter Office. Kaysa naman na hanapin namin baka isipin ay kinidnap ko 'yung bata.
"Daddy!" Sumigaw ang batang kasama ko.
Dahil do'n ay napitigil sa pag-uusap ang estrangherong lalaki nakasuot ng corporate attire at ang security guard. Tinangal ng bata ang paghahawak ko sakaniya at nang makawala ay nananabok itong lumapit papunta sa Daddy niya. Sinalubong naman ng estrangherong lalaki ang anak niyang papalit sakaniya at mabilis itong niyakap.
"Saan kaba nagpupu-punta? Daddy worried about you. Akala ko kung napano kana, " Sa tono palang ng boses ng estrangherong lalaki ay talagang nag-alala ito ng husto.
"No need to worry Dad, I'm safe now. Mommy's find me."
Kumalas sa pagkakayap ang estrangherong lalaki. Bakas sa mata nito pagtataka nang sabihin iyon ng kaniyang anak.
"What do you mean Abby?"
Nilingon ako ng batang nag-ngangalang Abby at ngumiti ito. "Mommy, come here!" Tawag nito sa 'kin.
Lumipat ang tingin ko sa estrangherong lalaki nang dahan-dahan itong umahon mula sa pagkakaluhod. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla kumabog ng malakas at mabilis ang dibdib ko nang magkita ang tingin namin.
Sa paraan nang pagtingin nito ay para akong nalulusaw na Ice cream. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Tila may paro-parong malayang lumilipad sa aking tyan.
I couldn't help!
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...