Happy Reading 😊
MULA nang matapos ang pag-uusap namin ni Alexander, pag-uwi ng bahay ay wala ako sa sarili. Iniisip ko parin 'yung pabor na hinihingi niya sa'kin.
Tumingin ako sa kontrata na pinadala niya sa'kin. Nakapatong iyon sa maliit kong mesa. Kung sakali mang tangapin ko ang pabor na hinihingi niya ay kailangan kong mag-
sinungaling. Hindi lang kay Abby, kundi sa sarili ko. Hindi kopa ginagawa ay nakokonsensya na'ko. Paniniwalain ko si Abby na ako talaga ang Mommy niya na kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Paano nalang kung malaman ni Abby ang totoo? Hindi rin namin maitatago habang buhay 'yung pagpapangap ko. Dahil magkaka-isip na si Abby.Pero sa kabila no'n ay nando'n parin ang pang hihinayang ko. Ang laking pera nang inaalok niya. Malaking tulong iyon para sa'kin, gayong hindi pa ako nakakapag-hanap ng trabaho. Sa gano'ng kalaking pera ay makakapag-simula ako ng maayos na buhay.
Pero kasi...
Napasandal ako sa maliit kong sofa at napahalimos ng mukha. Ang hirap naman ng ganito... Nasa gitna ako ng konsensya at panghihinayang.
Mabigat akong bumuntong hinga. Iwinaksi muna ang pag-iisip tungkol ro'n. Mas hindi ako makakapag-isip ng maayos kung ganitong nas-stress ako. I need to breathe.
Manonood muna ako ng K-Drama baka sakaling mabaling ang atensyon ko ro'n.
Ilang oras ang ginugol ko sa panonood ng K-Drama, kahit pa paano ay nakalimutan ko sandali ang iniisip ko.
Hapon na pala, ang bilis naman ng oras. Mula kanina ay hindi pa ako nakakapalit ng damit. Pa'no ko natiis na naka-ganito lang ako? Tumayo ako, nag-inat pagtapos ay chinarge ang cellphone ko at naglakad papunta sa kuwarto.
Dumiretso agad ako sa maliit kong kusina pagtapos mag-bihis. Natigilan ako sandali. Ano kayang masarap na ulam? Tiningnan ko ang grocery stock ko kung anong puwedeng lutuin. May dalawang meat loaf akong nakita. Paubos na pala sila buti nalang at tiningnan ko.
Nagsaing muna ako sa rice cooker bago buksan ang dalawang de latang meat loaf. Iniwan ko muna iyon sandali para kuhain ang cellphone ko. Nakita kong may nag-iwan ng text.
Beth:
Mamsh, diretso ako d'yan
Basa ko sa text niya. Nagtipa naman ako habang naglalakad papunta sa kusina.
Ako:
Sige, ingat ka
Nilapag ko sa plastic kong mesa ang cellphone at binalikan ang lulutuin ko. Ilang oras din akong nagprito at nang matapos ay nilagay ko iyon sa platito. Sa 'di magkalayong minuto rin ay nag "warm" ang rice cooker, hudyat na luto na siya. Tinangal ko na siya sa pagka-plug.
Nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Andito na siya! Umalis ako sa kusina at nagtungo sa pinto. Pagbukas ko ay malaking ngiti ni Beth ang bumungad sa'kin may dala pa ito at nakaangat.
"Para sa'yo." Masayang binigay ni Beth ang pasalubong sa'kin.
Napangiti naman ako dahil do'n, "Salamat. Nag-abala kapa." Ani ko.
"Wala 'yon."
"Pasok ka," aya ko sakanya.
Nauna akong naglakad sakanya para madala ang pasalubong niyang donuts. For sure, sahod niya ngayon. Mahilig siyang manlibre kapag sahod. Lagi niyang ginagawa 'yon. Ako na nga 'yong nahihiya e.
"Gusto mong kumain?" Alok ko sakanya mula sa loob ng kusina.
"Tubig nalang, kumain na'ko. Nag-aya kasi sa labas 'yong mga katrabaho ko."
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...