Happy Reading😊
MAY, mga pangit na pangyayari talaga na darating sa buhay natin na mag-iiwan sa'tin ng aral. Pero ang mahalaga naging maayos naman pagkatapos. Humihingi ng tawag kay Tita Helen, Alexander lalo na kay Abby at pinangako sa sarili ko na hinding-hindi na'yon mauulit.
"Pasensya na sa abala huh. Pangako, kung ano man ang magiging resulta ay maluwag kong tatanggapim," si Tita Helen sa gilid ko.
We sat on the side of the laboratory room where the DNA would be made. Pumayag ako sa gusto niya para sa ikakapanatag ang isip niya. Ramdam ko kasi na nahihirapan na siya.
Ngumiti ako para ipakita sa kanya na ayos lang.
"Tita, hindi po kayo abala," sambit ko.
The nurse called us later on. Tumayo ako at imunuwestra ang kamay para alalayan siya bago kami tumulak paloob ng laboratory. Wala pa ang doctor pagpasok namin.
"Have a seat first, ma'am, sir," iniluhog ng nurse
Naupo naman kami ni Tita sa magkabilang upuan. Mayamaya ay dumating na ang doctor. There was only a little brief conversation about the procedures before we started. Kay tita Helen muna nag-umpisa gawin ang samples. Nang matapos siya, sumunod naman ako. Ilang minuto din ang itinagal sa pagkuha ng samples saamin.
"Doc, ilang araw po namin malalaman ang resulta ng DNA?" Tita Helen asked again.
"In this case Mrs. Concepcion. It will take him two weeks or more," sagot naman ni doc. "But it might not take two weeks because you are my clients."
"Sigurado na po ba iyon doc?" I was the one who asked.
"Yes, sigurado na."
Nakatinginan kami ni Tita. We agreed to what the doctor said. Pagkatapos namin makipag-usap sa doctor, napagsyahan na naming lumisan ng hospital. Akala ko ay uuwi kami agad kami agad ngunit sinabi ni tita na kumain muna kami.
Tumulak kami sa isang mamahaling restaurant malapit lang sa hospital na pinanggalingan namin kanina. Tita ordered our food. While waiting the food, naisipan kong magtanong kay Tita tungkol sa kambal ni Julietta. I can't help but be curious about it.
"Tita curious lang po ako sa nangyari noon. 'Di ba sabi niyo may kakambal si Julietta at posibleng ako 'yon?"
Umayos siya sa pagkakaupo. At pinatong sa round table ang dalawang kamay niya.
"Twenty-five years na ang nakakalipas simula no'ng nangyari ang nakakatraumang nangyari sa buhay ko. Katatapos ko lang manganak no'n sa kambal kong anak, nang magkaroon ng sunog sa hospital. Dahil na sa incubator pa sila no'n, nahirapan akong kunin sila. Gustuhin ko man kayong kuhain pero hindi ko na magawa dahil sobrang laki ng apoy. Wala na akong nagawa no'n kundi umiyak nalang nang u-umiyak..." Pumiyok ang boses niya.
I just listened while she was talking.
"Bumalik si Remualdo sa loob para iligtas sila. Pinapalangin ko na sana paglabas niya ay kasama niya ang dalawang anak namin, sa kasamaang palad si Julietta lang ang naligtas niya... "
Parang tinatarak ng kutsilyo ang dibdib ko habang pinapakingan ko siya. Ang sakit lang sa pakiramdam na kakapanganak niya palang ay kinuha na agad ang isa niyang anak. I could see how her tears started to fall to the side.
"Gumuho 'yong mundo ng gabing iyon... Tinatanong ko ang dyos kung anong dahilan para gawin niya sa 'kin. Binigyan niya ako ng anak para maging lakas ko, pero agad din niyang binawi 'yong isa kong anak... ang lupit naman niya." Her tears started to fall down. "Bumalik ulit ako kinabukasan sa ospital na'yon, nagbabaka-sakali na mahanap siya. Pero sabi ng mga police, wala na raw dahil nailipat na sa ibang hospital 'yong mga pasyente. Hindi ako sumuko. Pumunta ako sa hospital kung saan inilipat ang ibang pasyente. Ngunit bigo ako, wala ro'n 'yong nag-iisang lalaki kong anak."
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...