Happy Reading😊
"Ano'ng pag-uusapan natin?"
Sinimulan ko na magsalita. To finish it. I don't want to stay here too long and I don't like the presence. Nasilayan ko kung paano siya umayos sa pagkakaupo.
"Anyway, hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa," aniya. I saw her take something from inside his shoulder bag. Hinugot niya ang puting envelope, nilapag sa lamesa at tinulak ng daliri niya iyon papalit sa akin. Bumaba ang tingin ko ro'n. "One million. Umalis kana sa bahay ni Alexander. Magpakalayo-layo kana at huwag ka nang magpapakita pa."
I laughed sarcastically at what she said. Kaya ba gusto niya akong makausap ko, para rito. Ang suhulan ako ng pera para lubayan sina Alexander at Abby. Is this all you can do Serena?
"Satingin mo ba madadaan mo ako sa ganito?" Gumuhit ang sarkastiko kong ngiti.
"Is it not enough? Tell me how much money you need." She's really serious about what she's doing right now.
Tinulak ng daliri ko ang puting envelope pabalik sa kanya. "Hindi ko kailangan ng pera mo Serena. Satingin mo ba madadaan mo 'ko sa ganiyan? Nag-aaksaya ka lang ng oras."
"Oh come on Zyden, alam ko naman na pera lang ang habol kaya kay Alexander. In fact, nagmumukha ka pa ngang desperado, dinamay mo pa si Tita Helen sa kahibangan mo!"
Even if she doesn't say it, I know what she wants to convey.
"Serena, bakit hindi mo nalang tanggapin ang totoo na ako ang nawawala nilang anak. At isa pa, anong sinabi mo? Desperado ako..." Pabitin kong sinabi. "Kailangan pa ako naging ikaw? 'di ba, ikaw lang naman 'tong lapit nang lapit kay Alexander." Ngumisi ako sa huling salita na sinabi ko para ipakita sa kanya na hindi ako naapektuhan sa mga maling paratang niya.
Nakita ko ang marahas niyang tingin sa akin.
"You bitch! You made Aunt and Uncle believe that you are their lost child. Ganiyan na ba kakakapal ang mukha mo Zyden?!"
"Wala na akong pakealam kung anong isipin mo Serena," now, I was disappointed with myself why I even accepted her offer na makipagkita sa kanya.
"Tanggapin muna 'to at umalis kana?" madiin at inis nautos sa akin nito.
"Hindi ikaw ang magdedesisyon para sa akin, Serena. Just accept tha fact na ako ang nawawalang anak nila Helen Reyes. Concepcion at Remualdo Madrigal. Concepcion. At ako si Zyden Rei Reyes. Concepcion. Mas mayaman na ako kaysa sa'yo Serena. Kung tutuusin ay kaya kong doblehin 'yang inaalok mo sa 'kin, kung gugustuhin ko." Nagtaas ako ng noo habang sinasabi ang mga katagang iyon.
I'm here now Serena to slap you with the truth!
"Delusional faggot!" Sigaw niya. Mariin niyang hinawakan glass wine naglalaman ng tubig. I know what she will do. She will pour the water on me.
"Ikaw ang nag-iilusyon Serena, umaakto ka na parang pagmamay-ari mo si Alexander, kahit ang totoo hindi ka naman niya talaga gusto, wait..." Huminto ako sa pagsasalita para ihanda ang susunod na matindi kong sasabihin na tiyak kong mas lalo niyang ikagagalit. "Hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa. May relasyon kami ni Alexander at alam na 'yon ng mga magulang. Si Abby, alam niya na rin ang totoo, kung sino ako. Kaya wala ka nang magagawa Serena. Tanggapin mo nalang ang totoo."
Hindi nga ako nagkamali. I am glad to see her now burning with anger. She deserve it! Dapat sa mga katulad niya ay sinasampal ng katotohanan para magising. Gumalaw siya, tumayo at umambang sasabuyan ako ng tubig nang tumayo rin ako at madiing hinawakan ko ang palapulsahan niya.
"Huwag na huwag kang magkakamali na gawing sa 'kin 'yan Serena sinasabi ko sa'yo, umasa kang babasagin ko 'yang basong hawak mo at itatarak ko sa lalamunan mo!" pagbabanta ko sa kanya. "Ang tagal-tagal ko nang nagtitimpi sa'yo, kaya huwag mo 'kong susubukan Serena!" Panghahamon atsaka padaskol na binagsak ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...