C H A P T E R 19

1.1K 54 3
                                    

Happy Reading😊


"Mamita, I want that."

Tinuro ni Abby ang chiffon floral dress. Agad namang ni Tita Helen ang tinuro niya. We are now at boutique store in mall. Nag-aya kasi si Tita Helen, para raw makapaglibang naman daw kami. Kasama namin ngayon ang tatlo niyang bodyguard, na ngayon ay nasa labas at hinihintay kami.

"Is this, Abby?" Sabay muwestra niya.

"Yes po, mamita," magalang na sagot ni Abby.

"How much is this?" si Tita Helen sa Sale's Lady.

"Five thousand, ma'am," sagot naman niya.

Nalaglag ang panga ko dahil sa presyo. Five thousand! Sa isang floral dress lang? Hanep... sa tiangge nga 'yong five thousand mo maraming nang mabibili, tapos dito isang piraso lang nagkakahalaga agad ng five thousand. Mga mayayaman nga naman, handang gumastos ng napalaki.

"Kukunin ko na."

Kinuha ng Sale's Lady ang floral dress para dalhin sa counter. Tita Helen searched again. But for now, he is in the men's section. Maybe he will buy Tito Remualdo a new clothes. Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak ang kamay ni Abby. Nakita kong may kinuha siyang polo shirt na kulay krema. Kumunot ang noo ko. She picked up medium size, it didn't seem to fit Tito. Also, I think Tito is xl size. In his body, it will be obvious first, he and Alexander who are also XL are the same.

Bahagya akong napaatras sa sumunod na ginawa ni Tita. Tila'y sinusukat niya sa 'kin ang polo shirt. I liked it too because it's Korean style, but it's probably priced too.

"You like the color?" Tanong niya.

Tumango ako. "Maganda po 'yong kulay niya. Pero... Mukhang hindi po kakasya kay Tito 'yan, masyado pong maliit," puna ko.

"I know, hindi naman para sa kanya ito," simpleng sagot niya.

Napaisip ako. Para kanino? Imposible namang para sa akin 'yan. Besides, I'm not part of their family, so Tita Helen can buy me that. Ayoko rin mag-assume.

"Para kanino po 'yan?" Kuryuso kong tanong.

"This is for you."

Umawang ang labi ko at nanlaki ang mata ko. "Para sa 'kin po?" Paglilinaw ko.

"Yes..." She confidently said.

"Huwag na po..." Agap ko. "Masyado pong mahal 'yan."

Instead of answering me, Tita Helen walked to the counter and handed me the chosen polo shirt. Wala na akong nagawa. Panigurado ang mahal no'n, nakakahiya naman kay Tita. Hinarap niya ako.

"Pumayag ka man o hindi, kukunin ko pa rin 'yon. Kaya nga kita isama na para mabilhan din."

Pero bakit? Hindi naman kami magkamag-anak. Kumbaga, hindi ko deserve 'yong pagbibigay sa 'kin ni Tita. Not to complaining, but she shouldn't have bothered. Ako pa tuloy ang nahihiya ngayon.

When we finish buying at the boutique store. We went to the accessories store. Aunt bought me a necklace, bracelet and new watch again. Sobra-sobra na 'to. She spoiled me like her own son.

Nang mapagod at magutom. Tumulak na kami sa isang restaurant sa mall. Here we had a long conversation with Tita Helen. Pansin ko, habang patagal nang tagal ang pagkakakilanlan namin ay mas lalong gumagaan ang loob ko sa kanya. Tila ako'y nagkaroon ng isang Ina. I'm glad that I met her. If I am given a request. I wish I could have a mother too, like her.

Naglaro si Abby sa playground pagkatapos naming kumain. Bantay siya ng tatlong bodyguard at naiwan kami ni Tita Helen sa isang stone chair. Naisipan kong kuhaan ng litrato si Abby kaya agad kong nilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan siya ng litrato. I smiled when I sent that to Alexander.

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon