C H A P T E R 6

1.1K 62 2
                                    

Happy Reading😊

Beth:

Mamsh, kita tayo sa coffee shop na malapit sa work ko mamaya. Around 4PM, antayin kita huh. Isama mo rin ni Abby. See u!

Kasalukuyan kaming nasa sala ni Abby. Abala siya sa pagdo-drawing. Ako naman ay nakaupo sa sofa habang nililibang ang sarili sa cellphone. Hindi muna ako nagreply sa text ni Beth. Iniwan ko muna sandali si Abby para hagilapin si manang. Saktong papasok siya ng bahay nang makasalubong ko.

"Manang," tawag ko sa kanila.

Lumapit naman siya.

"Bakit?" tanong niya.

"Ipapaalam kolang sana kung puwede kaming lumabas mamaya ni Abby? Okay lang po ba iyon?

"Naku hijo, huwag ka sa'kin mag-paalam. Kay Alexander ka magsabi, baka kasi mamaya biglang umuwi 'yon at hanapin sa'kin. Nadala na siya noong nawala si Abby sa mall kaya gusto ko sa kaniya mangaling ang desisyon," aniya.

"Ah sige po, text ko nalang po si Alexander."

Binalikan ko ulit si Abby. Nagdo-drawing parin ito. Hinanap ko ang number ni Alexander para itext siya, agad nagtipa nang makita.

Ako:

Alexander, puwede ba kaming lumabas mamaya ni Abby?

Nagdadalawang isip pa ako kung isesend ko ba 'yon. Baka kasi hindi siya payagan. Sana naman ay pumayag siya, hindi ko naman pababayaan si Abby. Mayamaya ay nagreply siya agad kong binasa iyon.

Alexander:

Sure. I trust Zyden, huwag mo lang sanang pabayaan si Abby. Just take the driver with you.

Normal lang sa isang ama ang mag-alala para sa kaniyang anak. Malaking bagay na sa'kin na pagkatiwalaan niya ako. Nagtipa ako nang irereply.

Ako:

maraming salamat pagtitiwala. huwag kang magalala. hindi ko pababayaan si Abby, isasama rin namin 'yong driver

Sinend ko na 'yon sa kaniya. Inubos ko ang iilang oras sa paglilibang sa sarili. Hangang sa pumatak na ang alas tres y media ng hapon. Umakyat kami ni Abby sa taas para bihisan siya.

"Mommy, ba't po tayo nagbibihis?" nagtatakang tanong niya.

"Aalis tayo," sabi ko.

Umaliwalas ang itsura niya nang sabihin ko na aalis kami.

"Really, mommy?!" may halong excitement ang boses niya.

Tumango naman ako.

"Yehey!" tuwang-tuwa siya at pumapalakpak habang tumatalon. Natuwa rin naman ako sa reaksyon niya.

Sinimulan ko na siyang bihisan. Sa damitan niya ay may nakita akong dress skirt na kulay lavender, kaya ayon nalang ang naisip kong ipasuot sa kaniya. Simpleng flat shoes naman ang pinasuot ko sa kaniya. Sinunod ko ang pag-aayos ng buhok niya. Nilagyan ko ng hairclip ang magkabila ulo niya.

"Okay na," nakangiti sambit ko habang tinitingnan ang magandang bata na si Abby.

Pagtapos niya ay 'tsaka naman ako nag-asikaso. Dahil wala pang masusuot ay humiram muna ulit kay Alexander. Mga pinaglumaan niya ang hiniram ko. Isang puting v-neck shirt, stripe polo sleeve na kulay yellow at black pants na maliit sa kaniya. Pagbalik ko sa silid ay nakita kong naglalaro si Abby sa malaking tablet niya. Hinayaan ko muna siya at pumasok sa banyo para maligo.

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon