Happy Reading😊
Trigger Warning: Trauma"Ano, kasi..."
Nangangapa ako ng dahilan sa tanong niya. Mataman akong tiningnan ni Abby habang inaantay ang sagot ko. Sa mga tingin ay na pi-pressure ako sa pag-iisip.
"N-nagkaroon kasi ng problema sa work si m-mommy, kaya hindi agad ako nakauwi." At sa wakas, ay may naisagot na rin ako.
"You stayed for seven months?"
Wow, ang galing naman niya. Natandaan niya kung ilang buwan.
"Yes baby, for seven month. Kinakailangan ko kasing mag-stay ro'n para tulungan ang ibang ka-trabaho ko." Bigla akong nakaramdam ng guilty sa pagsisinungaling ko sa harap niya.
Ang galing mong sinungaling Zyden!
"I understand mommy."
Para naman akong nabutan ng tinik sa lalamunan. Akala ko ay magtatanong pa siya ng ilang beses. Hindi ko na talaga alam ang isasagot ko kung sakali. Baka mapaamin ako ng wala sa oras.
Binalot ng katamikan ang buong silid. Hindi ko rin magawang mag-salita marahil sa naging pag-uusap namin ni Abby kanina.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Napalinga rin sa'kin si Abby.
Beth Calling...
Hindi ko muna sinagot ang tawag.
"Abby, dito kalang huh? Sasagutin lang ni mommy ang tawag," sabi ko.
Tumungo naman ang inosenteng bata.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa malambot na kama, tumungo sa pinto at lumabas ng silid.
Sinagot ko ang tawag.
"Hello," gamit ang mahinang boses.
"Mamsh, pumunta ako sa bahay mo, wala naman ro'n. Nasaan kaba?" tanong niya sa kabilang linya.
Napapalinga ako sa pinto. Baka kasi biglang lumabas si Abby.
"Nandito ako sa bahay nila Abby."
"Pumayag kana?!" Narinig ko ang med'yo pagtaas ng boses niya.
Naglakad ako papalit sa barandilya at humawak rito.
"Naawa rin kasi ako kay Abby e. Naghahanap ng kalinga ng isang Ina."
Tanaw ko mula sa taas na walang tao sa sala. Nasa maid quarters siguro sila manang at nagpapahinga.
"Kaya tinangap mo, dahil naawa ka?"
"Gano'n na ng—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako sa silid ni Abby na parang may nabasag.
"Ano 'yon?" takang tanong ni Beth.
"Beth, sandali lang..." Nagsimulang gapangan ako ng kaba.
"May hindi bang magandang nan—"
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Beth at pinatay ko na agad ang tawag.
"Abby..." Gamit ang nagaalalang boses ko.
Pagpihit ko ng doorknob ay bumungad sa 'kin ang nakatayong si Abby na parang takot na takot at parang maiiyak na habang nakatingin. Sa lapag niya ay nakita ko ang basag na vase.
"Anong nangyari?" Naglakad ako papalapit sakaniya.
Hindi pa ako nakakalapit nang tuluyan sa kaniya ay napansin ko nang sunod-sunod na bumagsak ang kaniyang luha.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...