C H A P T E R 20

947 49 10
                                    

Happy Reading😊

”Serena, tinanggap na ba ng daddy mo ’yong lupa na ibinibigay ng lolo mo?”

Tita Helen asked Serene while eating. Serena looked up to pay attention to Tita's question. Palihim din akong tumingin sakanila.

"Yes tita. Dad is planning to rebuild another company. So, si Alexander agad ang nirecommend ko sa kanya na gagawa ng bagong company namin. It's okay to you, Alexander." Tumingin siya kay Alexander na nasa kabisera at nakangiti.

Gumawi ang tingin ko sa kanya at hinihintay ang sagot sa inaalok ni Serena. Naglalaro sa isip ko ang mga puwedeng mangyari kapag pumayag siya. I hope he doesn't agree to the offer.

"Sure..." Ngumiti pabalik si Alexander kay Serena.

Gumuhit ang sakit sa aking dibdib. He didn't hesitate, he immediately agreed! Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Serena sa sagot niya. Bigla nalang akong nahirapan lumunok.

"Great! I told daddy you're a good architect , he will definitely like you right away!"

I feel bitterness right now. Marami namang magagaling na architect sa pilipinas, bakit hindi nalang siya maghanap? Kailangan si Alexander pa talaga? Ang sabihin mo, gusto mo lang siya ma-solo kaya pinipilit mo siya na maging architect sa itatayo niyang kumpanya. Gosh! Nagseselos ba ako? Bakit ako nagseselos? I trust him, hindi dapat ako magselos! Because I was thinking about something, I suddenly lost my appetite.

"Sino nagluto ng ulam?" Tita Helen asked.

"Ako po, tita," maiksi kong sagot.

"Masarap siya huh," puna niya.

"Masarap at magaling siyang magluto, ma," biglang singit ni Alexander, binalingan niya ako ng tingin at ngumiti.

"Salamat po," ngumiti ako. Their giving praise to me was overwhelmed.

Lumipad ang tingin ko kay Serena. Inaasahan ko na tatapunan niya ako ng masamang tingin dahil sa mga papuri na narinig niya, ngunit kabalikataran iyon ng iniisip. I saw her smiling. That smile of her brings me a bad feeling. Tila may ibang ibig sabihin.

"Kaso may nalalasahan akong konting hipon, nilagyan mo ba?"

Napawi ang ngiti sa sumunod na tanong ni Tita. Lasang hipon? Sa natatandaan ko, wala akong nilagay na kahit ano, bukod sa mga ibang sangkap na kinakailangan ko sa pagluluto.

"Oh my god, Abby!"

Napalingon ako kay Abby dahil sa sigaw ni Serena. Pulang-pula siya, habang kinakamot ang kanyang leeg. Punong-puno siya ng pantal. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa natanto ko. May allergy si Abby si hipon! Ginapangan agad ako ng kaba at takot.

"Baby are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Alexander. Patuloy pa rin sa pagkamot si Abby.

"D-daddy... N-nahihirapan p-po a-akong h-huminga."

Kitang-kita ko kung paano habulin ni Abby ang hininga niya.

"'Yong kotse!" Umalingawngaw ang boses ni Alexander sa loob ng kusina.

"Anong nangyari!" Si manang na kadarating lahat.

"Tawagin mo driver, ihanda nila 'yong kotse," utos ni Tita kay manang. "Ang apo ko..." Nag-aalala na rin si Tita.

Natataranta na ang lahat sa loob ng kusina. Ako... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong napako sa aking kinauupuan. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Gulat at nag-aalala lang akong nakatingin kay Abby. Binuhat na ni Alexander si Abby para ilabas. Lahat sila ay iniwan na akong nag-iisa sa kusina. Si Abby... anong nangyari? Paano nangyari 'yon?

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon