Happy Reading😊
"Si ma'am Julietta ba 'yan?"
"Anong pinagsasa-sabi mo? Matagal nang patay si Ma'am."
"Minumulto na tayo ni Ma'am."
"Hindi 'yan si ma'am Julietta, baka kamukha lang niya si ma'am."
"Paano niya magiging kamukha, e wala namang kapatid si ma'am."
Naririnig ko ang samu't-saring bulungan ng mga katulong habang papasok kami sa bahay nila Abby.
"Ano, mag-chichissmisan nalang ba kayo riyan?! Bumalik kayo sa trabaho!" nagsi-alisan naman ang mga katulong sa utos ni Manang Belinda.
Nagtungo kami sa malaking sala. Napaawang ang bibig ko. Ang laki ng sala nila, mas malaki pa ito sa inuupahan kong bahay. Parang mansyon ang bahay nila Abby. Biglang sumagi sa isip ko ang 'di magandang sinabi ni Beth. Mukha ba silang mambubudol? Sa laki ng bahay nila.
"May ganito palang bahay..." Namamangha kong bulong sa sarili habang iginagala ang aking paningin sa kabuohan ng sala.
Nanliit tuloy ako sa aking sarili. Kung tatangapin ko ang alok ni Alexander ay hindi ko maaatim na tumira rito. Hindi nababagay ang isang katulad ko sa ganitong magarang lugar.
"Mommy are you okay?"
Nilingon ko si Abby. Parang kanina pa ito nakatingin sa'kin.
"Yes baby, okay lang ako," nakangiti kong sambit.
"Roselda!" Napatingin ako kay Manang nang may tawagin ito.
"Po..." Nakita kong pumasok sa sala ang isang babaeng katulong. Maiksi ang buhok nito. tansya ko ay parang 40s pa ito.
"Kunin mo muna si Abby. Paliguan mo at palitan mo ng damit," utos ni Manang.
"Sige po manang. Tara na Abby." Nilahad nito ang kamay.
Nilingon naman ako ni Abby, "Mommy dito kalang huh?"
Tumango at ngumiti sa harap niya.
"Promise?" Tinaas niya ang kaniyang hinliliit na para bang nakikipag pinkyswear.
Tumuwad ako ng kaunti para mapantayan siya. Tinangap ko naman iyon, "Promise." At muling ngumiti.
Sumama na si Abby kay Roselda. Hindi ko inalis ang aking tingin hanga't sa lumisan na sila ng sala.
"Hijo pag-pasensyahan muna si Abby kung tinatawag ka niyang mommy. Ilang buwan na kasi ang lumipas ng mawala si ma'am Julietta. Pinapaliwa
nag naman ni Alexander sakanya ang totoo, pero ayaw niyang tangapin na wala na ang mommy niya."May kung anong kumurot sa puso ko. Gano'n ba talaga kasakit mawalan ng isang Ina? Hindi ko kasi alam. Wala naman kasi akong kinalakihang magulang, kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam. Pero satingin ko masakit daw.
"Manang, Totoo ba? Na kamukha ko 'yong mommy ni Abby?"
Tumango naman si Manang, "Halika ka rito, ipapakita ko sa'yo 'yung litrato ni ma'am."
Dahil sa kuryosidad ay sumunod naman ako sakaniya. Huminto kami sa isang malaking piano. Sa taas ng piano na iyon ay maraming nakalagay na picture frame. Mayamaya ay kinuha ni ang isang picture frame at inabot sa'kin.
Halos malaglag ang panga ko sa gulat dahil sa nakita kong larawan ni Julietta. Tila napako ang tingin ko sa litrato niya. Totoo nga ang sinasabi nila!
Paano nangyari to?!
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...