C H A P T E R 4

1.1K 54 1
                                    

Happy Reading😊

IMINULAT ko ang aking mga mata. Nagising ako sa dahil sa sobrang ginaw. Nakatodo yata 'yong aircon. Dahan-dahan kong inalis ang aking kamay sa ulunan ni Abby. Buong gabi pala kami na nasa ganitong posisyon. Tumayo ako, naglakad habang iniikot-ikot ang aking braso dahil sa ngalay. Tama nga ako! Nakatodo nga 'yong aircon. Grabe naman sila kung gumamit ng aircon, palibhasa mayaman kaya ayos lang na nakatodo. Kinuha ko ang remote ng aircon at binabaan ang klima nito.

Bumalik ulit ako sa kama at naupo para magmuni-muni. Pagkatapos ng minuto ay muli akong tumayo, naglakad at nagtungo sa banyo para mag hilamos.

"Maganda umaga hijo," bati ni manang nang pumasok ako sa kusina.

Pagbaba ko galing sa silid ay dumiretso agad ako sa kusina. Naabutan ko ang dalawang katulong at si manang na nag-aasikaso para sa umagahan.

"Maganda umaga rin po," pabalik kong bati at ngumiti, "May maitutulong po ba ako?" tanong ko.

"H'wag na hijo, kaya na namin dito. Maupo ka nalang at antayin mo kaming matapos.

Napanguso naman ako. Nakakahiya naman kung uupo lang do'n ako habang pinapanood silang nagluluto. Kailangan may gawin din ako.

"Manang ako nalang po ang magluluto," presenta ko, "Marunong naman po akong magluto. Tulungan niyo nalang po ako sa ibang lulutuin."

"Siguro kaba hijo?" usisa ni manang.

"Opo," sagot ko, "Mga ate, iwan niyo nalang kami ni manang dito. Kami na ang bahala. Kayo nalang po ang mag-asikaso ng mga baso, kutsara, plato," magalang kong utos sa kanila.

Sumunod naman sila sa gusto ko at iniwan kami ni manang. Bago ako mag simulang magluto ay nagsuot ako ng apron, pagtapos no'n ay tinali ko ang buhok kong hangang balikat ang haba. Napansin kong med'yo humaba-haba na pala siya. Kailangan ko nang bawasan ng kaunti. Hindi kasi puwedeng putulin 'yong buhok ko dahil nagkaka-lagnat ako, kaya pinapabawasan ko nalang.

Nagsimula na akong magpainit ng kaldero. Naisip ko na mag-luto ng chicken corn soup dahil med'yo makulimlim ang panahon ngayon. Inuna kong ilagay ang tubig para pakuluan ito. Mga ilang oras ay kumulo na rin ito kaya nilagay ko na ang iba't-ibang ingredients. Hinalo-hinalo ko iyon, tinakpan at hinayaan sandali. Pag kumulo na ito ay tiyak na luto na siya. Nilingon ko si manang. Abala ito sa pagpi-prito ng hotdogs at bacons. Lumingin siya at nagtama tingin namin. Ngitian niya lang ako at sinuklian ko rin siya ng isang ngiti bago muling binalik ang aking atensyon sa niluluto. Kalaunan ay kumulo na rin ang chicken corn soup. Hudyat na luto na siya.

Sinunod kong lutuin ang fried rice. Dahil kompleto naman sila sa ingredients ay sinarapan ko na at nilagyan ko ng twist.

"Daddy, tama po ba ang nakikita? Mommy's cook for our breakfast?"

Napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Abby. Gising na pala sila. Nakita kong nakabihis na si Abby at hindi na siya nakapang-tulog. Ga'yon din si Alexander. Naka blue suit na siya at pirming nakaayos ang kaniyang buhok. Sobra guwapo talaga! Palihim akong napailing.

Umayos ka Zyden, mag-focus ka sa niluluto mo!

"Yes baby, mommy's cook for us," sagot naman ni Alexander sa anak.

"Good morning," nakangiting bati ko sa mag-ama, "Maupo na kayo roon, malapit ng matapos ang niluluto ko," sabi ko.

Sumunod naman sila sa utos ko. Muli kong binalik ang atesyon ko sa nilulutong fried rice. Nang matapos ay nilagay ko na ito sa maayos na lagayan at nilabas sa kusina.

Naabutan kong nakaayos na ang lamesa. Maayos na rin ang pagkaka-
lagay ng mga gamit pang kain. Nakaupo sa kabisera si Alexander at si Abby naman ay nasa kaliwang bahagi niya. Nilapag ko na sa mahabang lamesa ang niluto kong fried rice.

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon