Happy Reading😊
"How many years, you lived here?"
Tanong ni Alexander. Nandito kami ngayon sa bahay na inuupahan ko para kumuha ng iilang kailangang gamit. Mabuti't wala siyang pasok ngayon at wala rin masyadong ginagawa kaya naisip kong magpasama sa kaniya sandali.
"Maga-anim na taon na rin," sabi ko mula sa kuwarto habang naglalagay ng iilang gamit, "Mula no'ng nagkatra baho ako no'ng Grade 11, nag desisyon na rin akong umalis sa bahay ampunan, bumukod at maghanap ng mauupuhan." Lumabas ako ng kuwarto bitbit ang bag.
Saktong paglabas ko ay siya ring pagharap ni Alexander kaya nagtama agad ang tingin namin. Naka-krus ang dalawang kamay nito.
"You grow up at the orphanage," parang hindi niya makapaniwalang sambit.
"Gano'n na nga," diretso kong sagot, "Sabi sa'kin ni sister. May babaeng nag-iwan sa'kin noon sa bahay ampunan para paalagaan ako sandali. Magt-trabaho lang daw siya. Ilang dekada na ang lumipas, lumaki na ako at nagkaisip. Hindi na siya bumalik."
Imbis na magtanim ako ng galit sa nanay kong nag-iwan sa'kin noon. Nagpapasalamat pa ako, dahil binuhay niya ako. Dahil sa pag-iwan niya sa'kin. Mas maaga kong naranasan ang totoong buhay, mas maaga akong nakapag-adjust. Natutuhan kong maging matatag at nakilala ko agad ang sarili ko. Subalit, may parte pa rin sa'kin na iniisip pa rin siya. Nasaan na kaya siya ngayon? May mga pagkakataon kaya na iniisip niya rin na may iniwan siyang anak?
"I'm sorry. Sana, hindi ko nalang tinanong 'yon," he looks disappointed in himself.
Ngumisi ako.
"Ano kaba. Wala 'yon, okay lang sa'kin," pampalubag loob ko sa kaniya. Napansin ko kasing natahimik siya bigla pagtapos niyang i-open 'yong topic na 'yon.
Pagkatapos kong kumuha ng iilang mga kailangang gamit ay inaya ko na rin si Alexander na umuwi na. Kung magtatagal pa kami ay baka hanapin na kami ni Abby.
Nang ila-lock ko ang pinto ay kinuha ni Alexander ang dalawang bag na bitbit ko, dinala niya iyon sa loob ng kotse niya. Bahagya kong hinatak ang padlock para masiguro kung nalock ito ng maayos, nang makumpira ay naglakad na rin ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako sa shotgun seat tsaka siya umikot papuntang driver seat.
Sinuot ko ang seatbelt bago kami umalis. Nahirapan akong ikabit ito, hindi kolang kung bakit! Nasuot ko naman nang maayos kanina. Muli kong sinubukan. Bigla akong napaatras sa kinauupuan nang dumapo ang mainit na kamay ni Alexander sa kamay ko. Mabilis ko inalis ang kamay ko. Tila nakaramdam ako ng boltaheng kuryente.
"Let me help you," nakayuko niyang sambit.
Nagsimulang kumabog ang aking dibdib sa ginagawa niya. Ito na naman siya! I feel awkwardness between us. Pero gusto ko rin naman. Ewan ko, hindi ko maintindihan 'yong sarili ko. Halos lagutan ako ng hininga nang mag-angat ito ng tingin. Agad nagtagpo ang aming mga mata. Pirming nakatikom lang ang aking bibig. Inatake ang aking ilong ng kaniyang pabango at naturang amoy.
Nakahinga ako nang matiwasay nang umayos na ito sa pagkaka-upo. Akala ko ay magtatal pa kami sa gano'ng senaryo. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang bilis na naman nang tibok nito.
Ni-restart na ni Alexander makina ng kotse. Kalaunan ay umalis na kami. Binalot ng katahimikan ang loob ng kotse niya. Nakatingin lamang ako sa labas habang binabaybay namin ang daan pabalik sa kanila.
"Abby told me, that you introduced her to your new friend, yesterday."
Inalis ko ang tingin sa labas nang magsalita si Alexander. Umayos ako ng upo at tumikhim.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...