C H A P T E R 29

882 38 1
                                    

Happy Reading😊

"Manang, paanong nawala si Abby?"

Kakauwi lang namin. Natataranta ang lahat ng tauhan sa paghahanap kay Abby. Maski ako ay natataranta na rin pero mas pinili kong kumalma. Wala naman patutunguhang maganda kung pati ako ay matataranta na rin. Hindi namin mahahanap si Abby.

"Naglalaro lang naman si Abby rito sa garahe. Pumasok ako... sandali para tingnan 'yong niluluto ko... Tapos pagbalik ko wala na siya rito..." Manang cries while explaining.

"Fuck!" Narinig kong malutong na mura ni Alexander. I looked at him. Marahas niyang sinuklay ang buhok. I felt a pain in my chest. Naaawa ako sa kanya. I saw that he was stressed about what was happening now.

Nagsabay-sabay na lahat. 'Yong nalaman namin tungkol kay Serena. Bigla pa itong nawala kaya hinahanap siya ngayon ng mga pulis. Tapos ngayon nawawala naman si Abby. Huminga ako ng malalim. Okay Zyden, think carefully.

"Manang, magtanong-tanong lang kayo rito sa buong village. Kami na ni Alexander ang bahala sa labas maghanap," ani ko. She nodded while wiping her tears.

Binalikan ko ulit ng tingin si Alexander at lumapit sa kanya. I hugged him to make him feel better.

"Bakit ba ng nangyayari sa 'kin 'to?" Bulong niya. Ramdam ko ang panginginig at panghihina ng boses niya.

"Magiging maayos din ang lahat," 'Yon nalang ang nasabi ko parang giumaan ang pakiramdam niya kahit papa'no.

Later on, tumulak na kami sa kotse. Habang umaandar ang kotse nakadungaw lang ako nagbabakasaling mahagilap ng mata ko si Abby. I have no idea where we're going to find Abby. Ang tumutakbo lang sa isip ko ay mahanap namin siya. I glanced at Alexander. He was driving seriously, occasionally looking out the window.

May nadaanan kaming grupo ng mga bata. Nakurap-kurap ako. Biglang may sumagi sa isip ko. Posibleng may mga bata na nag-alok sa kanya para maglaro, bukod do'n baka pumunta rin sila sa playground. Nilingon ko ulit si Alexander.

"May malapit bang playground dito?"

"Oo," tipid niyang sinabi.

"Sumandali tayo ro'n. Baka nando'n si Abby," suhestyon ko.

"Abby doesn't go there, besides, she doesn't know that."

"Baka lang naman nando'n siya." I just want to get involved..

"Okay..." Simpleng wika niya.

Pagdating namin ro'n ay nauna akong bumaba. Nagtanong ako sa mga taong nakikita ko. Pero ang sagot nila, wala raw. Kahit na tanghali na ay hindi nagpatinag sa init. Now that I think about it, we need to find Abby. Parehas kaming nagtanong ni Alexander sa mga taong  dumadaan. Natanaw kong may papalit na babaeng nakapambahay lang ako suot. Hindi ko na siya hinintay na makalapit, ako na ang dumalo sa kanya.

"Ate, puwedeng magtanong?" ani ko.

"Ano 'yon?" pabalik naman niyang tanong.

"May nakita po ba kayong batang babae, nasa limang taon, maputi at may kahabaan ng buhok?" I said in every detail.

Umiling naman siya. "Pasensya, wala akong nakita e."

"Sige po, salamat.."

Umalis na ang babae. I looked around the entire park, because I might catch Abby's eye. Abby nasaan kana ba?

"Hon!"

Nilingon ko si Alexander nang tawagin niya ako. Nanakbo ito papalit sa akin.

"Bakit?"

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon