WARNING: R-18. Read at your own risk.
BUMISITA ako sa bahay namin. I just found out that my parent are so rich. Hindi ko maiwasang ikumpara ang bahay na tinutuluyan ko ngayon sa bahay ng magulang ko ngayon. Sobrang laki, parang puwede na siyang maging mall.
Pagpasok namin sa loob ay halos malaglag ang panga ko dahil sa nakikita namin. Is this really our house? I secretly slapped my cheek, maybe I was just dreaming.
"This is our house," saad ni Mom.
Sakanya na mismo ng galing. Bahay talaga namin 'to. Nanatiling naka-awang lang ang bibig ko.
"Anong masasabi mo?" She asked.
Wala akong ibang masabi. Nakatingin lang ako sa kabuohan ng bahay namin.
"Ang ganda..." 'Yon nalang ang nasabi ko.
Pagkatapos naming maglibot sa buong bahay. Pinakilala naman ako ni Mommy sa mga tauhan. As usual, napagkamalan na naman akong si Julietta. Ngunit ayos lang naman, kapatid ko naman siya. Hindi na gaya noon na kapag pinagkakamalan akong si Julietta ay hindi ako comfortable.
Later on, Mommy invited me to go to the mall. I went along, so we could bond. It's a pity we're not with dad, because he's busy with our business. Pagdating namin doon ay tumulak agad kami sa boutique store. Binilhan ako ni Mommy ng mga mamahaling kasuotan. Hindi ko naman magawang tumanggi dahil lagi niyang sinasabi na gusto raw niya makabawi kaya hinayaan ko nalang siya.
After we finished at the boutique store, we headed to the expensive salon shop.
"Welcome back Madam He—oh my god!" Gulat na gulat ang bading nang makita ako. "Is thi-" Mommy, cut him off.
Muli na naman akong napagkalaman.
"He's my son," diretsong sinabi ni Mommy.
"I thought Julietta was an only child," saad ng bading sa parlor.
"It's a long story, Van," sagot niya bago ako nilingon. "Do you want haircut?" alok sa akin ni Mommy.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Gamit ang aking daliri, sinuklay ko ang sariling buhok ko. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapagpabawas ng buhok. Med'yo mahaba na rin siya.
"Ipapabawas ko nalang po."
"Ayaw mo bang ipaputol?"
Agad akong umiling. "Hindi na po. Nagkakalagnat po kasi ako kapag pinapaputulan ko po 'yong buhok ko," salaysay ko.
Binalingan niya ulit ang bading na nag-aantay sa'min.
"Magpapabawas lang siya ng buhok," anang ni Mommy sa bading.
"Noted, madam. Halika kana bebe..." Malambing niyang sabi. Inakay niya ako pupunta salon chair at pinaupo.
Then he put a black cloth on me. Hindi muna kami nag-umpisa. Umalis ang bading, tingin ko ay mayroon siyang kinuha dahil pagbalik niya may bitbit na siyang manipas na folder.
"Ilang inches ang gusto mong ipapabawas, bebe?" Tanong niya. Muling kong tiningnan ang repleksyon ko.
"Mga 3 inch lang po," sagot ko.
"'Yon lang ba? Gusto mo bang kuluyan ang buhok mo or lagyan ng style. Puwede kang pumili rito." He put the one he was carrying on my thigh.
Pagbukas ko, bumungad ang iba't-ibang hairstyles na panlalaki. Ngunit may nakaagaw pansin sa mata ko na larawan. Parehas kami ng haba ng buhok. Straight siya at sa dulo ay medyo curl. Kulay golden brown ang buhok niya. Ang lakas maka-korean look.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...