Happy Reading😊
"Dito lang kayo, I'll just buy a ticket."
Tumango ako. Iniwan niya kami pansamantala sa gilid habang bumilibili siya ng ticket. Nandito na kami ngayon sa Enchanted Kingdom. Tiningnan ko si Abby. Hindi mapuknat ang ngiti niya sa labi habang ginagala ang kaniyang mga magagandang mata. I standing besides her, hindi ko rin maiwasang mapangiti sa ganda ng lugar na nakikita ko ngayon.
"Saan mo gustong unang sumakay Abby?" nakangiting tanong ko.
Nilingon naman niya ako.
"Mommy, I want us to ride what I saw on TV," sagot niya.
"Oh sige, sasakyan natin lahat ng gusto mo."
Later on, dumating na rin si Alexander dala ang binili niyang ticket. Nang makalapit siya samin ay inaya na niya kami. Hindi pa kami nakakapasok ay sobrang excited na ni Abby. Natutuwa rin ako dahil hindi na rin siya makapag-hintay. Bago kami makapasok sa loob ay kailangan munang pumili para ipakita 'yong ticket. Napansin kong tinatatakan muna 'yong iba ng ink stamp bago sila makapasok loob. May lima pang tao na nasa unahan namin bago kami, kaya nag-antay pa kami ng ilang minuto.
Agad na inabot ni Alexander sa staff ang ticket na binili. Chineck muna ito ng staff. Pagkatapos ay nagsimula na siyang mag-stamp. Nauna si Abby, sumunod naman ako at ang panghuli ay si Alexander.
Napaawang ang bibig ko nang bumungad sa'min ang Malaki at mailaw na carousel. May foundations din. Sobrang ganda pala rito, ngayon palang kasi ako napunta sa amusement park. Kadalasang napupuntahan ko ay perya lamang, kaya ganito nalang ang naging reaksyon ko.
"Wow..." Hindi rin mapakaniwala si Abby sa nakikita niya ngayon maski siya ay nagandahan sa lugar, "This is true!" Aniya.
Panandaliang nagtama ang tingin namin ni Alexander. May sumilay na ngiti sa kaniyang labi. Binaba ko ang tingin kay Abby. Sobrang namamangha siya habang nakatingin sa carousel. Hindi masyadong matao ngayon dahil weekdays. Naglakad-lakad kami para maghanap ng unang sasakyan. Hawak namin pareho ni Alexander si Abby. Bawat nadaraanan namin ay may mga food stall. Bukod do'n ay marami rin palang puno kaya sobrang presko ng hangin.
"Daddy I want to ride there!"
Tumigil kami sa paglalakad nang magsalita si Abby. Sinundan namin ng tingin ang itinuro niya. Pambatang rides 'to na parang ferris wheel ngunit mababa lang siya at hugis itlog. Wala siyang harang kundi hawakan lang ngunit ligtas naman.
"Let's go," si Alexander at inakay si Abby papunta sa gusto niyang rides.
Nakasunod lang ako sa kanila. Pumila na si Abby. Hindi naman masyadong mahaba ang pila kaya nakasakay agad si Abby. Nakangiti ito habang nilalagyan siya ng safety belt ng staff. Pagkatapos ay may nagbell hudyat na magsisimula na. Umandar na ang rides. Pataas ito nang pataas. Nakatingin samin si Abby nakangiti at kumakaway. Kinuha-kuhaan ko siya ng litrato at video habang nakasakay siya ron.
"Do you want me to take a picture of you?" Alok niya.
"Huwag na, okay lang," sambit ko naman.
Ngunit bigla niyang kinuha ang cellphone na nasa bulsa niya. At hinanda iyon. Talagang kukuhaan niya ako ng picture.
"Smile..." aniya. Kahit nahihiya ay tinungko ko ang siko sa railings, "One... Two... Three." he click immediately.
Lumapit ako para tingnan ko ang litrato ko sa cellphone niya. Nagulat ako. Marunong pala siyang kumuha ng magandang shot.
"You like it?" tanong niya malapit sa tenga ko.
Lilingon ko sana siya para sagutin ang tanong niya nang biglang magtama ang dulo ng ilong namin. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan. Sobrang lapit namin sa isa't-isa konting dipa nalang ay magdidikit na ang mga labi namin. His look was debilitating. Hindi ako makahinga nang maayos dahil ang bilis nang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...