C H A P T E R 12

1K 47 5
                                    

Happy Reading😊

KINABUKASAN, nagising ako dahil sa init na tumatama sa aking paa. I've opened my eyes. Napagtanto kong tanghali na pala. Mula sa pagkakahiga ay umupo sa headboard ng kama. Wala na rin si Abby sa tabi ko marahil ay na sala na siya. Ilang oras akong nagmumi-muni muna bago napagpasyahan tumayo ng kama. Lumapit ako sa bintana upang hawiin ang kurtina para makapasok ang sinag ng araw.

I went to the cabinet to get a change of clothes before walking to the bathroom. Binilisan ko ang paliligo ko para hindi na magtagal sa loob ng banyo. Nagbihis na rin agad ako pagkatapos maligo at hindi nagatubiling lumabas.

"Gising na pala," si manang ang unang bumungad sa umaga ko.

"Magandang umaga po," bati ko sa kanya.

"Magandang umaga rin," pabalik niyang bati.

"Si Abby po?" Tanong ko sa kanya. Sumulyap ako sandali sa baba baka sakaling mahagip ng mata ko si Abby.

"Naroon sa kusina, kasama si madam Helen."

Binalik ko ulit ang tingin ko kay manang, "Nandito 'yong mama ni Julietta?" Pero bakit? I mean, wala naman si Alexander ngayon. Baka naman dumalaw lang kay Abby.

"Dinalaw lang ata si Abby."

Sabi na eh.

Nagpaalam ako kay manang 'tsaka bumaba ng hagdan. A few housemaides greeted me, I went downstairs. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko silang kumakain na. Abala si Abby sa pagkain niya nang biglang magawi ang tingin niya sa kinatatayuan ko. Umaliwalas ang mukha niya ng makita ako.

"Mommy!" masayang ngunit mataas na boses niya.

Lumapit ako sa kanila. I felt a little embarrassed because Abby was calling me. Her mamita, Julietta's mom, was still here.

"Good morning Abby," I greeted her, "Good morning din po," bati ko naman sa mamita ni Abby.

"Good morning," gamit ang normal na boses nito. Kinuha ko baso 'tsaka sumimsim ng tubig, "Sit down to have lunch," utos niya habang nakaupo sa kabisera.

Imbis na tumabi kay Abby ay umikot ako sa kanang bahagi niya at naupo. Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain nasa hapag. Kumuha ako ng pagkain pagtapos ay nagsimula nang kumain.

Hindi ako makalunok ng maayos, pakiramdam ko ay may nakatingin sa 'kin isama mo pa na kasabay naming kumain ang mamita ni Abby. Hindi pa naman ako sanay na kami lang.

Naunang matapos kumain si Abby. Nagpaalam na manonood siya kaya dalawa nalang kaming naiwan sa kusina. I felt uncomfortable dahil sa mga tingin niya.

"Alam ba ng magulang mo na tumangap ka ng ganitong trabaho?"

Nilunok ko agad ang pagkain kinakain ko nang magsalita siya.

"Ang totoo po niyan... Wala na po akong kinalakihang magulang. Sa bahay ampunan po ako lumaki," agad kong sagot at muling tinuon ang sarili sa kinakain.

Sa sulok ng mata ko ay nakita kong sumimsim ulit ito tubig.

"You know, I don't agree with Alexander in his decision. Pero no'ng nakita ko kung paano muling bumalik sa pagiging masigla si Abby, bandang huli ay tinanggap ko na rin," she explained.

Wala akong makapa na sagot. Hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang sinasabi niya.

"I admit it or not. You really look like my daughter. No'ng nakita parang nanumbalik sa'kin lahat ng nangyari." Bakas sa mukha nito ang pangungulila.

Dahil sa seryosong usapan ay hindi ko natuon ang atensyon ko sa kinakain.

"Mahirap po bang mawalan ng anak?" Biglang tanong ko. Hindi malaman kung saang lupalop ko nakapa ang gano'ng katungan.

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon