C H A P T E R 8

1.2K 58 4
                                    

Happy Reading😊

KINAGABIHAN, pagkatapos ng hapunan ay inakyat ko na si Abby, para gawin ang night routine namin. Bumaba ako para ipagtimpla siya ng gatas. At muling bumalik sa kuwarto niya dala ang gatas ni Abby.

Nakasandal kami ngayon ni Abby sa headboard, habang iniinom niya ang kaniyang gatas.

"Mommy, you've changed," biglang sambit ni Abby. Pinatong niya ang iniinom na gatas sa hita.

Kumunot noo ako, "Hmm... Pa'no naman ako nagbago?"

Ngumuso siya at parang nag-iisip.

"Uhm... First, Inaalagaan muna po ako. Hindi ka na po masyadong busy sa work mo. Second..." nag-isip ulit siya, "You didn't hurting me, if I make a mistakes."

Mas nauunawaan ko na ngayon ang sinasabi niya.

"Third... You don't look angry anymore, kapag kasabay po natin kumain sila manang at 'yong mga drivers."

Napangiti dahil naging magandang sa paningin ni Abby 'yon.

"Yes baby, mommy's changed."

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Abby sa kaniyang labi.

"I really love your changes, mommy. I hope you're always like that."

Marahan kong kinurot ang tungkil ng ilong niya.

"Promise," sabi ko.

Pagkatapos uminom ni Abby ng gatas ay pinatulog ko na siya. Natulala lang ako sa kisame, habang iniisip ang sinabi ni Abby kanina. Ang saya lang, dahil nababago ko na ang 'di magandang nangyari sa kaniya noon. Gano'n pala ang epekto no'n sa kaniya. Nakumpirma kong tulog na siya dahil narinig ko ang mahina niyang hilik. Maingat kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko. At dahan-dahan kong nilapag. Tumayo ako sa kama, kinuha ang basong may laman ng gatas kanina at lumabas sa kuwarto.

'Di pa ako tuluyang nakakababa ng hadgan. Natanaw ko agad bulto ng  isang lalaki nasa sala. May nakapatong na alak sa taas ng lamesa. Gising pa pala siya? 'kala ko tulog na siya sa mga ganitong oras. Tuluyan akong bumaba ng hadgan. 'Di ko inalis ang aking tingin kay Alexander.

Nakayuko siya hawak ang baso na naglalaman ng alak. Sana kanang kamay niya ay may hawak siyang picture frame. May problema kaya siya? Pansamantalang nilapag ko ang hawak kong baso sa patungan ng vase malapit sa'kin.

"Gising ka pa?"

Napasinghap ako sa gulat dahil narinig ko ang boses ni Alexander. Nagtama ang tingin namin. Mamula-mula ang ka niyang itsura, pati ang kaniyang mata, tila galing sa pag-iyan. Marami na ba siyang nainom? Para kasing lasing na siya.

"Ooum..." himig ko.

Inalis niya ang tingin. Binalot ng katahimikan ang buong sala. Lumapit ako ng kaunti para sipatin ang hawak niyang picture frame. Litrato pala ng kasal nila ni Julietta. Huminga ako ng malalim at tumikhim, bago mas lalong lumapit sa kaniya.

"Kung nasaan man ngayon si Julietta, tingin ko ay nasa maayos na siyang kalagayan," panimula ko.

Umupo ako sa sofang kinauupuan niya ngunit med'yo malaki kami. Sinipat niya ako ng tingin.

"I hope so, kasalanan ko rin naman," mapait niyang sambit.

Napaisip ako bigla. Anong kasalanan din niya? 

"Hindi mo naman kasalanan 'yon."

"You don't know anything. It's my fault," sa tono ng boses niya ay sinisisi niya ang sarili, "We were happy at first. I gave her everything she wanted. Until we got married. I didn't stop giving her what she want. Until Abby came into our lives. Unti-unti kong napapansin na parang nagbago siya. Naging mainitin ang ulo, lagi nalang siyang galit. At hindi ko malaman kung bakit."

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon