C H A P T E R 9

1K 51 5
                                    

Happy Reading😊

"Mommy, wake up. Daddy's cook for our breakfast."

Nagising ako sa marahang tampal ni Abby. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Naaninag agad ng mata ko si Abby na nakangiti. Subalit may napansin ako. Parang iba yata 'yong kuwarto.

Ohh, shit!

Napaatras si Abby nang agad akong bumangon. Sinuklay ko ang buhok ko habang inaalala ang nangyari. Dito pala ako natulog sa kuwarto ni Alexander. Ngayon kolang napagtanto. Ibig sabihin... Uminit ang pisngi ko. Buong gabi ko palang katabi si Alexander pagtulog. Paano ko na kayang matulog kasama siya?

"Mommy, you okay?"

Napalingon ako sa gawing bahagi ko. At nando'n si Abby, nakatayo na.

"A-ayos lang ako baby," Wala sa sarili kong sagot

Gumihit sa itsura niya na parang 'di kumbinsido. Sumampa siya sa kama para mapantayan ako at sinapo ang noo. Na parang bang chinicheck kung may lagnat ako.

"You don't have a fever, but why you look pale?" aniya.

"Mommy's okay, don't worry," sabi ko, "Nasaan ang daddy mo?" iba ko ng topic.

"In the kitchen, daddy cooks breakfast for us."

"Ahh... Sige na, mauna kana sa bumaba. Susunod si mommy."

"Okay po." Bumaba siya sa kama, "Sunod ka po mommy huh..."

Tumango ako at ngumiti. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa pinto hangang sa malakas siya. Humikab ako, inaantok pa ako. Mahapdi rin ang mata ko dahil alanganing oras na ako nakatulog kagabi. Bigla ko nanamang naalala 'yong nangyari kagabi. Ayaw ko nang maalala pa. Gusto kong kalimutan na pero pilit ko pa rin naiisip lalo na 'yong pangyayari na pinupunasan ko siya at 'yong bagay na nasa pagitan ng hita niya.

Napailing-iling ako. Jusko, umagang-umaga nagkakasala agad ako.

Humakbang na'ko para pumanhik sa pinto para lumabas. Pupunta sa kuwarto ni Abby para makapaglinis ng katawan. Nando'n din kasi nakalagay ang mga gamit ko. Pagpasok ko sa loob ay nagtungo ako sa kabinet para kumuha ng pambahay na long sleeve shirt at short, bago pumanhik sa banyo.

Mabilis kong tinapos ang pagligo. Marahil nag-aantay na sila sa'kin sa kusina kaya binilisan ko na'ko ang paliligo. Nagbihis na ako, lumabas sa banyo. Bago tumulak palabas sa kuwarto.

Pagbaba ko palang ng hagdan ay sumalubong na sa'kin ang iilang kasambahay. 'Yong iba ay bumabati sa'kin habang tinatahak ko ang daan papunta sa kusina.

"Hi mommy!"

Si Abby ang unang sumalubong sa'kin pag-apak ko sa kusina. Naabutan ko silang dalawa. Si Alexander ay naglalapag ng pagkain sa mahabang dining table habang si Abby naman ay taimtim na nag-aantay.

"You're awake," nakangiting sambit ni Alexander. Tila may multo sa likod ng mga ngiti niya. 

"Ooum... Buti nalang ginising ako ni Abby."

"Umupo kana. We will eat," aniyang.

Tuluyan na akong pumasok sa kusina at naupo katabi si Abby. May binalikan ulit Alexander.

"Daddy cooked a breakfast," nangingiting sabi ni Abby katabi ko.

"Talaga..." Marunong pala siya magluto?

"My princess..." Dumating na si Alexander, nilapag niya ang gatas sa tabi nito.

"Thank you daddy."

"You want coffee?" Alok niya sa'kin.

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon