C H A P T E R 1

2K 63 4
                                    

Happy Reading😊

"Good morning Ma'am. What can I do for you?"

Nakangiting tanong ng receptionist na babae. Malaki ang ang ngiti at kita ang mapuputing ngipin.

"Saan dito 'yung interview for assistant manager?" Tanong ko rin pabalik.

"You are one of the applicants Ma'am?" Tumango naman ako bilang sagot. "Ma'am, go to the 8th floor. Our interview is on the left side, for assistant manager."

"Okay, thank you. By the way, I'm a boy." Nakangiting saad ko. Bahagyang nagulat ang babaeng receptionist sa inamin ko. Naglakad na'ko at nagtungo sa elevator.

Ngayon araw na ito ay interview ko sa trabaho. Sa daming kumpanyang na inapply ko ay laging hindi ako natatangap. Totoo pala 'yung sinasabi nila. Na kapag fresh graduate ka ay hindi ka kaagad
makaka-hanap ng trabaho. Ang lagi nilang tinatangap ay 'yung may 4 or 3 years na work experience, pag dating sa trabaho. Hindi sapat na nakapag-ojt kalang.

Ang hindi kolang maintindihan. Kung gusto pala nilang may experience ang mga aplikante ay bakit ayaw nilang tangapin? Kung sa gano'n ay magkaroon ng experience ang mga aplikante.

Sana naman, sa job interview kona 'to ay matangap na'ko. Hindi kona talaga alam kung saan pa ako mag-
hahanap.

Bumukas ang elevator at lumabas ako. Gaya nang sinabi ng babaeng receptionist ay nasa kaliwang bahagi raw ang interview.

Natamaan ko ang nakapilang mga aplikante. Marami-rami rin pala ang mga kasabayan ko.

"Excuse me. May nakaupo ba rito?" Pa-unang tanong ko nang makalapit.

"Walang nakaupo riyan Miss," nakangiting saad ng lalaki.

Umupo na'ko. Habang nakaupo ako ay napapatingin ako sa pinto ng interview room. Sari-saring emosyon ang nakikita ko kapag may lumalabas na aplikante. 'Yung iba maaliwalas ang mukha dahil na tangap sila. May ibang lumabas naman na aplikante na nakayuko at nakabusangot ang mukha. Dahil siguro hindi sila nakatangap.

Aminin ko man o hindi ay kinakabahan din ako. Pero ayoko lang ipahalata. Baka kasi sa nerbyos ko ay mapansin iyon ng interviewer, maisip nila na hindi ako confidence sa sarili at dahil do'n ay hindi ako matangap. Ganunpaman, ay kompyansado parin na matatanga ako!

Sa kabila nang pag-hihintay ko ay kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang aking repleksyon. Ang haggard ko na pala. Hindi pa nag-uumpisa ang interview ay para na akong sumabak doon dahil sa itsura ko ngayon. Binaba ko sandali ang cellphone ko at muling tumingin sa pinto. Matagal pa naman yata bago ako matawag, kaya mag-aayos muna sandali.

"Kuya." Mahinang tawag ko sa katabi ko. Nilingon naman ako nito at nagpakita ng expresyon na pagtatanong, "Magc-cr lang po ako. Kapag po may nagtanong, kung may nakaupo rito pakisabi nalang po na mayro'n."

Tumango naman si Kuya, "Sige."

"Salamat."

I stood up and walked. Pumasok ako ng banyo pagkarating doon. Lumapit sa sink, nilapag ang bitbit kong shoulder leader bag sa sink. Nilabas ko ang baon kong powder at liptint at nag-apply nito sa sarili.

After fixing myself I looked in the mirror. Perfect! Nang makuntento ako pag-aayos ko ay lumabas na 'ko ng C.R.

"Zyden..."

Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad pabalik, nang may pamilyar na boses ang tumawag sa'kin. Nilingon ko ito.

Hindi ko inaasahan na makikita siya rito. Ang pamilyar na lalaking iyon sa mall na ama no'ng bata na nag-ngangalang Abby ay nasa harap ko mismo at maliit ang ngiti nito habang nakatingin sa'kin.

Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon