Happy Reading😊
TAHIMIK, kaming kumakain ngayon dito sa foodcourt. Katabi ko ngayon si Abby, she was busy eating her food. Sinipat ko naman ng tingin si Alexander ay ganoon din siya. Nakaka
-gutom din pala 'yong pag-iikot namin dito. Pero kahit ganoon ay naenjoy naman namin, lalo na 'yong pagsakay namin ng rides.Kumagat ulit ako sa kinakain kong big burger.
"Mommy."
Hinarap ko si Abby dahil sa pagtawag niya sa'kin. Nangingiti nitong tinuro ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa'kin. Kumunot ang noo. May pinapahiwatag siya na hindi ko maintindihan. Baka may dumi ako. Kinuha ko ang tissue na nasa table at pinunasan ang labi ko. Wala naman.
Sumulyap ako kay Alexander at saktong nagtamang ang tingin namin. And he suddenly chuckled. Mukhang pinagti-tripan ako ng mag-amang 'to huh. Gamit ang hawak ko tissue ay muli kong pinunasan ang labi ko, pero wala talaga! Pinagti-tripan talaga nila ako!
"Akin na..." Kinuha ni Alexander ang tissue. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang baba ko. Ang hawak niyang tissue na gamit ko kanina ay pinunas niya sa sulok ng kaliwang labi ko, "You have a ketchup on your lips."
Napangiwi ako. Ang kalat ko naman kumain, nakakahiya.
"Mommy, daddy. You too are so sweet," puna ni Abby.
Muli kaming nagkatinginan ni Alexander.
"Really? Ang cute kasi ng mommy mo," he smirked while looking at me.
Nag-init ang pisngi ko. Pinapakilig ba ako nito o nagpapangap lang siya sa harap ng anak niya? Effective 'yong pagpapangap niya huh.
Lumisan na kami ng food court pagkatapos kumain at magpahinga. Hindi muna kami sumakay ng rides. Ang sunod naming ginawa ay naglaro ng clow machine. Nandito kami ngayon sa clow machine na puro teddy bear na maliit. Si Alexander ang naglalaro ngayon.
"Daddy right there." Turo ni Abby sa isang lavender na teddy bear.
Sinunod naman niya ang anak. Masyado siyang focus sa ginagawa. Tinapat niya ang clow kung nasaan ang tinuturo ni Abby. Nakatingin lang ako subalit, kinakabahan na baka hindi nila makuha. Pagpindot ni Alexander ay agad bumaba ang clow at nakuha ang teddy bear. Bigla nalang akong napangiti. Hindi naman para sa'kin iyon pero tuwang-tuwa ako.
Kinuha niya ang teddy bear na lumabas sa ilalim at inabot sa anak.
"Thank you daddy," matamis na sambit ni Abby.
"You want to try?" Alok ni Alexander nang humarap siya.
"Hindi na, okay lang," tangi ko.
"Sige na..." Parang namimilit ito.
"Okay lang. 'Di naman ako marunong niyan," pag-aamin ko.
"I will guide you," agad niyang sagot.
Dahil sa pangungulit niya kalaunan ay pumayag din ako. Sabay kaming lumapit sa clow machine. Unang beses ko palang maglaro ng ganito. Kahit na palagi ko 'tong nakikita sa mga malls. Hindi ko rin naman alam kasi kung papa'no gamitin 'tsaka mahirap daw maglaro ng ganito.
"Hold the red control," utos niya.
He's behind me right now. Gaya ng utos niya ay sinunod ko agad. Hinawakan ko ang pulang kontrolan tulad nang sabi niya.
"Anong sunod kong gaga—" hindi kona na tuloy ang sasabihin nang biglang hawakan niya 'yong kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng bolta-boltaheng kuryente sa loob ng aking katawan.
I feel his warm hand. Para akong napako sa aking kinatatayuan. Ginapangan ako ng kaba. Ito na naman siya!
Naghulog siya ng tokens at ginalaw ang kontrolan.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be His Baby's Mother [C O M P L E T E D]
RomanceThe peaceful life of Zyden will suddenly change. Dahil sa pagdating ng isang batang tatawag sakaniya ng "Mommy!" He wondered why the unknown child called him Mom. Kung baga sa instant coffee, he suddenly became an Instant mommy that he didn't expect...