CHAPTER 16

10.5K 268 54
                                    

IT'S 11 AM already, at ngayon pa lang ako nagising. Matagal akong nakatulog kasi puro kami kwentuhan ni Zeus. We talked about a lot of stuff and about this pasabog na nangyari kagabi na mukhang makikita ko now sa media. I didn't open my social media account kasi natatakot ako.

I'm pretty sure pinagpe-pyestahan na ako nang mga tao ngayon. Napabuga ako nang malalim na hininga. I can't stop myself from worrying, I know I should get used to it kasi I'm a social media influencer but... but this is different, it's about my marriage. Sigurado akong mas marami na akong haters, bashers, trolls at ililibing na talaga nila ako nang buhay.

Nagpagulong-gulong ako sa kama para maibsan ang kabang namumutawi sa buo kong dibdib. Para akong naiihi, natatae, naiiyak na hindi ko alam kung bakit. I keep rolling, letting out curses with every turn hanggang sa napahinto ako nang may biglang tumawag sa phone ko.

I answered instantly when I realized it was my baby brother. “Yeah what?” -I yawned. “I am tired today kaya bukas mo na ako pestehen.

“I'm here in front of your door. Open it.”

Napaupo ako sa kama ng maayos. “What are you doing here? Bwi-bwisitin mo na naman ba ako?”

“Just incase you forgot my dear stupid sister, between us two, ikaw yong palaging namemeste at nambwi-bwisit sa'kin. Don't turn the table now, wala pa akong maayos na tulog kakaisip sa'yo.”

“At bakit mo naman ako iisipin?”

“Bawal ba kitang isipin?”

My lips parted for a second, he's thinking of me?!

“You're not allowed to think of me, you dumbass. Kaya siguro ako minamalas, alisin mo nga ko sa utak mo.”

“Cant you just open this fúcking door first? Nangangawit na paa ko kakahintay, I'm losing my patience right now. Damn it.”

I groaned in frustration and heaved myself to my feet. This man! Pupunta-punta dito tapos mukhang may-ari na utusan ako. Does he think I'm nice?

Bumaba ako nang hagdan at tumakbo papunta sa pinto, and yes, because I am a good and courteous human kind of earth, I need to ran para hindi mainip ang mahal na prinsipe. Akala niya siguro nakalimutan ko kagabi ang ginawa niya. Instead of helping me, inutusan pa akong ngumiti, bwisit.

“Welcome to my humble abode, your majesty,” -I said sarcastically. “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, punyetang kamahalan?”

“Tss. Kunin mo nga 'to.”

Naiinis na tumingin ako sa kanya nang bigla nitong hinagis ang dala-dalang hindi ko alam. Nakabalot kasi sa isang plastic bag.

“What's this? Namelengke ka ba?”

“I stopped at the convenience store to get you some chocolate. I thought it might make you feel better” -umupo sya sa couch. “May beer ka ba jan?”

Oh my gosh. Make me feel better? Why? Did he cares for me ba? Naiiyak na tumingin ako sa kanya.

“Nag-aalala ka ba sa'kin?” -maamong tanong ko. “Kaya mo ba ako binilhan nito? Kaya ka ba nandito ngayon? Kaya mo ba ako pinapangiti kagabi kasi ayaw mong malungkot ako?” -tumingala ako na para bang may tears sa eyes ko. “Gosh naman, you make me want to cry, look oh, it's getting teary na, you're so sweet talaga.”

Nalukot ang mukha niya na para bang nasusuka. Yong tipong parang may nainom na vinegar or what.

“Hindi ako sweet, at mas lalong wala akong pakialam sa'yo. I told you to smile last night dahil mukha ka nang manananggal na hindi mahanap ang kalahati ng katawan. I bought you those chocolates, but you need to pay me back. Sa panahon ngayon, wala ng libre.” -inilahad niya kamay niya. “That's 5,000.”

DEALING DIAMOND (Mafia Series 5) (Completed✓)Where stories live. Discover now