CHAPTER 40

12.5K 229 10
                                    

MAY GAGAWIN nga akong prank kay Glenn,” -naiinis kong sagot kay Nicole na ngayon ay nakaupo sa kama at kumakain ng black forest cake.

Kanina pa kasi niya ako tinatanong kung bakit may nakahanda akong ilang ring lights, tapos camera. I kept on telling her about my prank tapos hindi pa magets.

“Paano ko naman kasi maiintindihan yang prank na sinasabi mo kung hindi mo ma-explain nang maayos. Anong tingin mo sa'kin? Manghuhula?”

“You don't look like a manghuhula to me. Witch, pwedi pa.”

She rolled her eyes. “Spill it. Anong klaseng prank.”

“Diba makikipag VC ako with Glenn now?”

“And?”

“I'll pretend to mute him pagkatapos niyan kunwaring may tatawagan ako gamit 'to,” -pinakita ko sa kanya ang isang phone na hawak ko. “I'll act like parang nag che-cheat while making this flirty churvachuchu to someone na wala naman talaga.”

He unbelievably looked at me. “Do you think that's a nice prank?”

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Of course, pranking someone is my happiness. It's nice, yes, sino ba namang ayaw nang kasiyahan? Hindi naman ako mang-aaway, duh? Nagbago na kaya ako.

“I'm doing this para makabawi ako sa ginawa niya kagabi,” -I look myself back in the mirror. “Hindi niya ako sinipot sa date. He needs to pay for what he did.”

“Diba sinabihan ka na niyang may transaction sila?”

I blew out a frustrated sigh. “Yeah. But he told me he'll come.”

“As far as I know, he already told you na hindi talaga sya makakarating.” -ilang beses syang umiling. “You know what? Ikaw lang yong babaeng nakilala ko na sobrang lala kung gumanti. Bahala ka kapag nag-away kayo.”

I pouted. Ang sama niya talagang pinsan. As if naman may kakayahan si Glenn na e-hate ako.

Gusto ko lang namang turuan ng leksyon ang gwapong nilalang na 'yon. Hello? Naghintay ako dun ng 20 minutes tapos tinawagan lang ako na hindi sya makakasipot and then— okay fine, he already told me talaga na wag na akong pumunta pero ako yong nagpumilit, bakit? kasi maganda ako, connection? wag nyo ng hanapin.

Aish, gaddd. Kasi naman eh, I wanted to eat with him tapos hindi man lang ako mapagbigyan kahit 10 minutes lang. Inuuna pa yong transaction, tss, as if lalambingin sya nun.

Pagkatapos kong lagyan ng lipstick ang lips ko saka na ako naghanda. Tinawagan ko si Glenn through video call. Hindi naman ako nag fail kasi sinagot niya agad.

“Hey, Love.”

Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis. Kakagising lang ba nito? Medyo messy pa kasi yong buhok niya. “Hello, lover. How are you?”

“Tired,” -may paos niyang pagkakasabi. “Where are you?”

“In my room, I'm with ahm—” -nagkunwari akong mahina ang signal. “And yeah, kanina pa sya dito kumakain sa bed.”

“Who?”

“Si—” -I muted it. “Nga. Anyway, nasaan ka?”

DEALING DIAMOND (Mafia Series 5) (Completed✓)Where stories live. Discover now