NAKATULALA lang ako sa kawalan na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig at nasaksihan. Hanggang ngayon, iniisip ko ang mga sinabi ni Scarlett, ang mga sinabi niya na parang ang hirap paniwalaan.
That baby, goodness. Si Cleo ang ama nang batang dinadala niya. She kílled that baby kasi ayaw niyang malaman ni Glenn na buntis sya but unfortunately, Cleo told his brother already.
Cleo is the father. Ilang beses yang nagpaulit-ulit sa utak ko. Napapikit ulit ako at napabuga nang hangin. She's a real evil, how can she kílled that innocent angel nang dahil lang sa ambisyon niyang mapasakanya si Glenn? Wala ba syang konsensya?
I unbelievably shook my head. She's insane, she's a lunatic, she's obsessed. Ganyan na sya kabaliw para lang makuha ang isang taong ayaw naman sa kanya.
I am thankful na pansamantala muna syang umalis dahil may tumawag sa phone niya na mukhang importante. Kung wala sigurong pumutol sa eksena namin kanina nunkang buhay pa ako. I am very, very hungry right now tapos sobrang baho pa dito. Ang dami-dami ko ng iniisip tapos dumagdag pa 'tong mga bobong kidnapper na ngayon ay nasa harapan ko.
“Hoy.”
I rolled my eyes. “I’m not, hoy. My name is Zafire.”
“Wala akong pake. Tawagan mo nga pamilya mo, sabihin mo kailangan mo ng pera para makauwi ka na.”
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. “Anong tingin mo sa'kin? Highschool students?”
“Diba sabi ko wala akong pakialam? Bilis na, dami pang dada.”
“Wala ba kayong sweldo galing sa stupid nyong amo?”
“Bibigyan niya kami mamaya kapag patay ka na.”
Sinamaan ko sya nang tingin. “And do you think she'll pay you if I die? I'm telling you now, mister panot, she's a fúcking scammer. If I were you, kalagan nyo na ako dito at baka bigyan ko pa kayo nang tig-da-dalawang milyon.”
“Sa tingin mo naman mauuto mo kami?”
I chuckled. “Of course, you're bobo nga, diba?”
Napasigaw ako nang hinila niya ako sa buhok.
“Ano ba! Stop pulling my hair nga!”
“Ilagay mo yong number dito ng mama mo at nang matawagan namin! Bilis!”
“Hindi ko memorize yong number nila!” -sigaw ko. “Saka pwedi ba! Wag mo nga akong hawakan! Ang baho ng hininga mo!”
Nabaling sa kaliwang bahagi ang mukha ko nang sinampal niya ako nang mabilis. Ah, shit. Sirang-sira na ang face ko!
He let go off me nang makitang para na akong dinosaur. Kapagkuwan ay kinuha niya yong phone ng isang kasamahan niya at may pinaghahalungkat doon, walang ano-ano'y tinutukan niya ako nang baril sa noo na para bang kontrabida sa isang movie.
“Mag log-in ka sa facebook.”
“What?”
Walang buhay ang mukha niya na tumingala. Tila ba nauubusan na sya nang pasensya. “Ikaw ba'y bingi? Ang sabi ko, mag log-in ka.”
“Are you serious?”
“Ar yo siryos?” -he mimicked me. “Tss. Hari ap. Baka makita tayo ni boss malagot kami.”
“So? I don't care.”
“Mag la-log in ka o ipuputok ko 'to sa bungo mo?”
“Why do I need to log-in nga?”
“Tawagan mo nga magulang mo, sabihan mo magpadala ng pera kapalit ka, papalayain kita kapag may binigay silang salapi. Siguro naman may mga peysbok 'yon.”
YOU ARE READING
DEALING DIAMOND (Mafia Series 5) (Completed✓)
RomanceGlenn Klay Valeria Romero is a well known Gun Dealer in the MAFIA'S ORGANIZATION. He was ruthless, a predator who moved with a chilling grace, leaving a trail of destruction in his wake. His eyes, cold and calculating, held a power that could make e...