CHAPTER 31 (Warning)

15.3K 281 28
                                    

WARNING: SPG⚠️

HINDI NA natuloy yong lakad ko with Z dahil bigla syang nag messaged sa'kin na may emergency daw, I asked him naman kung ano pero hindi niya ako sinagot. Hindi ko na sya inabala dahil baka kasi masyadong seryoso yong problema niya na kailangan niya munang sarilihin.

Sinabi ko pa nga sa kanya na sasama ako ang kaso sinabihan ba naman akong magpahinga na lang. As if naman napagod ako. Anyway highway, hinihintay ko ngayon si Glenn na lumabas muna ng room, inihatid niya muna kasi yong parents at kapatid niya palabas.

He told me too na magpapaalam sya kay Mommy at Daddy na dito muna sya sa mansion—na agad ko namang binalaan dabil baka mamaya makatikim sya nang sapak. Unfortunately, hindi niya ako sinunod. Hindi ko narin sya sinita dahil useless lang 'yon. I am telling you right now, I'm not marupok. Ayoko lang syang itulak dahil sawa na ako sa ganon. He keeps bugging me and it's very annoying na.

Ka-text ko ngayon si Nicole na feeling ko lumayas na naman sa mansion nina Tito Noah. Ganyan sya palagi kapag naiinis kay Blood. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa dugo na yon eh araw-araw at segu-segundo syang bini-bwisit. If I were in her shoes, I would literally do the same too.

To Nicole:

Umiyak nga yong malandi. Alam mo bang may dramahan na nangyari dito sa harap ng room ko? Gosh, Nicks. Kung nandito ka lang, masusuka ka. I swear.

After I hit the send button ay tumihaya ako sa kama para mag-scroll ulit sa gallery ko. And yep, wala akong time pumunta sa Insta, Twitter at Facebook dahil alam kong puro news lang about me yong makikita ko. Yong birthday celebration ko nga hanggang ngayon kalat parin sa buong article. Naiinis ako kay Mommy kasi sabi niya sila na daw bahala. God, how can I trust my parents when in fact sarili nilang issue hindi nila maayos. Maybe I should ask Glenn na malinis name ko, hindi kasi ako makatambay sa social media, nakakainip na.

From Nicole:

You told me she slapped you. Sinampal mo rin ba?

Masama ang tingin ko sa screen ng mabasa 'yon.

To Nicole:

Of course! Two beses pa nga.

Akala siguro nang manggagayang 'yon na masasampal niya ako nang ganon-ganon lang. Hello? Hindi ako katulad ng ilang bida na masyadong nagpapakaawa sa story nila just 'to save by someone na Prince Charming kuno.

From Nicole:

Glad you did that, she deserves it. Wala man lang bang ginawa si Glenn?

I sighed.

To Nicole:

Wala. Bakit ko naman sya ka-kailanganin? Duh? I can take care of myself. No need na yong help niya.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng makita yong bumukas. Pumasok naman dun si Glenn na malagkit ang titig sa'kin. This idiot, hindi pa ba mawala-wala sa utak niya yong kamanyakan niya?

Gosh, kanina noong dinala niya ako sa kama mabuti na lang hindi natuloy yong balak nitong kung ano-ano dahil tinawagan sya ni Cleo. Answered prayer talaga kasi sobra na yong kaba ko kanina. At ngayon naman, bumalik ulit yong kaba ko kasi nandito na naman sya. He's so kulit talaga. How many times do I have to tell him na ayokong makipag-séx sa bahay ng parents ko.

“Who are you texting?”

Lumapit sya sa'kin at gumapang papunta sa kama. Kahit sobrang nervous na ako nagawa ko pa rin syang sagutin. “It's none of your business.”

DEALING DIAMOND (Mafia Series 5) (Completed✓)Where stories live. Discover now